Chapter 18

10.8K 322 7
                                    

Chapter 18

Nagising ako sa liwanag na nanggagaling sa bintana pero kumunot ang noo ko nang wala akong makitang Randalf sa kwarto. Bumangon ako at pumunta ng banyo para gawin ang morning routine ko at para maligo na rin. Pagkatapos ay lumabas na ako ng naka-roba lang habang tinutuyo ng tuwalya ang buhok ko.

Kukuha na sana ako ng isusuot nang mapansin kong 'yung bag na pinaglalagyan ko ng damit ang tanging nasa lagayan. Bigla akong kinabahan nang makitang wala na ang bag na pinaglalagyan ng damit ni Randalf. Bumalik ako ng banyo at nanlaki ang mga mata ko dahil nakita kong wala na rin ang mga toiletries niya. Tiningnan ko ang ilalim ng kama pati ang mga drawer pero wala akong nakita kahit isang gamit niya.

Anak ng kumag!

Iniwan na ako ng damuho?!

Biglang umalon ang dibdib ko sa sobrang inis kaya hindi ko na napigilang maiyak. Nanlalambot ang tuhod na napaupo ako sa kama at tuluyan na akong napahagulgol.

Paano niya ako nagawang iwan dito?

Ganun na lang ba 'yun?

Nagsawa na ba siya sa akin kaya maghahanap uli siya ng bago?

Parang may libo-libong karayom ang tumusok sa dibdib ko sa isiping iyon. Isinubsob ko ang mukha sa mga palad ko habang patuloy sa pag-agos ang mga luha ko.

"Wifey?"

Tila nag-freeze ang luha ko nang marinig ang boses ni Randalf.

Nananaginip ba ako?

Dahan-dahan kong inangat ang mukha ko at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Randalf habang nakatingin sa akin mula sa pinto.

Hindi siya umalis?

Agad siyang lumapit sa akin saka lumuhod sa harap ko at hinawakan ako sa mukha kaya alam kong hindi nga ako nananaginip.

"Wifey, are you okay?" Bakas ang pag-aalala sa boses niya. "Bakit ka umiiyak?"

Gosh! Todo-emote na ako dito, yun pala hindi naman siya umalis.

Tss!

"H-hindi ka umalis?" Tila nahihiyang tanong ko.

Kumunot ang noo niya sa tanong ko. "No, of course not! Don't tell me--" Hindi na niya itinuloy ang sinasabi nang ma-realize niya kung bakit ako umiiyak.

Nawala ang kunot ng noo niya at biglang lumawak ang ngiti sa mukha niya hanggang sa nauwi iyon sa pagtawa.

Lumabi ako sa kanya. Nagawa pa niyang tumawa? Samantalang halos mag-breakdown na ako dito.

Hmp!

Nakakainis siya!

Inirapan ko siya saka tumayo na dahil patuloy pa rin siya sa pagtawa na parang tuwang-tuwa pa talaga. Papasok na sana ako sa banyo para magkulong doon pero niyakap niya ako mula sa likod kaya nahinto ako sa paglakad.

"Wifey." Tawag niya pero hindi ako sumagot. "Sorry na, hindi na ako tatawa."

Ramdam kong pinipigilan niya lang ang pagtawa kaya inirapan ko uli siya.

"Promise, hindi na nga." Humarap siya sa akin para ipakitang hindi na nga siya tumatawa.

Nag-pout ako dahil kitang-kita pa rin ang amusement sa mga mata niya. Niyakap niya ako saka hinalikan ang naka-pout kong labi.

"Come, breakfast is ready." Pang-aamo niya. "Um-order na ako habang tulog ka pa and I was just waiting for you to wake up."

Medyo nahihiya pa ako dahil masyado akong nag-overacting kanina. "Uhm, w-wait lang. Magbibihis muna ako."

Wanted: Virgin WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon