Chapter 24

3.2K 69 26
                                    

Chapter 24

Thomas

Tapos na ang kasal namin ni Ara. Masayang-masaya kaming dalawa na magkahawak-kamay habang nakasakay sa taxi patungo sa airport. Magha-honeymoon kami sa Palawan.

"Thomas, do you think tama 'yung ginawa natin?" Nag-aalinlangang tanong sa'kin ni Ara.

"Tapos na ang kasal natin. Wala na silang magagawa kundi tanggapin ang desisyon nating magsama habang buhay. Buhay natin 'to. Hindi nila hawak ang buhay natin."

Pinisil ni Ara ang kamay ko. "Paano kung manggulo ulit si Patricia? Paano kung idamay na naman niya ang pamilya ko?"

"Ara, please stop worrying kahit ngayon lang. It's our wedding day. We're supposed to be the happiest people in the world today." I kissed the top of her head at sumandal siya sa aking balikat. Hindi na siya kumibo pero ramdam ko ang malakas na tibok ng kanyang puso.

Sobrang bilis ng mga pangyayari. Parang hindi pa rin tuluyang nagsi-sink in sa'kin na simula sa araw na ito, opisyal na kaming mag-asawa ni Ara. Hindi ako makapaniwala na kahapon lang, sobrang gulo pa ng isip ko pero sa isang iglap lang, kasal na kami!

Kaninang umaga, nagtagpo at nagkita kami ni Ara sa isang restaurant. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at bigla ko na lang niyaya si Ara na magpakasal kaming dalawa. Hindi rin naman nagdalawang-isip si Ara at agad siyang pumayag. Dali-dali kaming pumunta sa simbahan, buti na lang mabait ang paring nandun at agad naman siyang pumayag kahit kulang kami sa mga papeles ni Ara.

Pagkatapos na pagkatapos ng kasal namin, nag-book agad ako ng ticket patungong Palawan. Buti na lang may available flight pa para sa'ming dalawa kahit marami na ang naunang nakapag-book sa'min at nagkasya naman ang savings ko bilang pambayad sa aming ticket. Bahala na siguro si Batman kung saan kami kukuha ng panggastos pagdating namin sa Palawan basta ang importante, makaalis agad kami ni Ara. Sa ngayon, masayang-masaya ako habang nakahilig sa'kin si Ara. Mukhang nakatulog na ang mahal ko kaya napapikit na rin ako.

Naidlip lang ako sandali nang magising ako dahil sa ingay ng busina. Napatingin ako sa harap ng taxi at di ko mapigilan ang mapasigaw:

"MANONG, MABABANGGA TAYO NG BUS!!!"

And everything went black.

Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa baba. Napatingin ako sa aking paligid. Nakahiga ako sa sarili kong kama at bumungad sa'kin ang pamliyar na kulay ng aking kwarto. Chineck ko ang aking katawan, wala namang sugat o injury. Na-comatose ba ako ng ilang buwan kaya ni galos wala nang bakas sa aking katawan? Si Ara kaya?

Tuluyan na akong bumangon nang marinig ko ang pamilyar na boses na kumakanta.

"Baby I've been, I've been losing sleep... dreaming about the dreams that we could be..."

Parang kilala ko nga ang nagmamay-ari ng boses na 'yun. Binilisan ko ang pagtakbo pababa ng hagdan namin. Pagkababa ko ng hagdan ay dumerecho agad ako ng kusina dahil sigurado akong dun nanggagaling ang kumakantang boses.

Pagkapasok ko ng kusina ay dumungaw sa'kin ang pamilyar na pigura ni Ara na nakatalikod habang abalang nagmi-mix ng batter.

"Everything that kills me makes me feel alive..."

Parang nasa concert lang kung maka-kanta itong mahal ko. Thank God she's safe. Pero parang may mali talaga dito eh. Kung totoong naaksidente talaga kami, na-comatose ako at ngayon lang nagising, bakit parang ang saya-saya ni Ara at may pakanta-kanta pa siyang nalalaman? Di kaya naka-move on na siya sa'kin? Pero kung ganun ang nangyari, bakit nandito siya sa bahay namin at nagluluto ng almusal?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Engaged To My Enemy (ODTT Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon