Chapter 18
Ara
"Ano na ang gagawin natin ngayon?" I asked Thomas as soon as he pulled away from our kiss.
"Pakasal na tayo!" Sagot sa'kin ni Thomas with a serious look on his face.
"Naloloko ka na ba?!!" Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Hindi. Pero maloloko talaga ako kapag hindi ka papayag na makasal sa'kin."
"Thomas, let's not be hasty with our decision. Hindi ganun kadali magpakasal!"
"So ayaw mo talagang magpakasal sa'kin?"
"Thomas naman eh… hindi naman yun ang ibig kong sabihin."
"Di ba sabi nila what matters most when you marry is love? I guess our love is already enough para magpakasal. Ano pa ba ang pumipigial sa'yo?"
"Marami. Ang mga pamilya natin, an gating pag-aaral… ano ka ba?!"
"Siguro nga tama sila. Mabuti pa maghiwalay na tayo." Nagsimulang maglakad palayo sa'kin si Thomas.
"Hoy Thomas! Ano ka ba?" Nagsisimula na akong mag-panic. Hala, baka iwan niya ako dito. Ang dilim-dilim pa naman… Umaasa akong hihinto siya sa paglakad pero tuloy-tuloy lang siya. Napilitan tuloy akong tanggalin ang aking sneakers sa kaliwang paa at ihagis nang buong lakas sa kanyangg direksyon. Nasapol nito ang kanyang batok. Bingo!
"Aray!"
"Buti nga sa'yo!" Dali-dali akong tumakbo palapit sa kanya.
"Akala ko ba ipaglalaban mo ang pagmamahalan nating dalawa? Eh kakasabi mo pa nga lang sa'kin kanina. Kasinungalingan lang ba ang lahat ng ‘yun?" Nagulat ako nang bigla na lang siyang tumawa.
"Ano ba ang nakakatawa sa mga sinabi ko?"
"Hahaha, kung nakita mo lang sana ang itsura mo kanina. Halatang napakalakas talaga ng tama mo sa'kin." Halos tumulo na ang luha ni Thomas sa kakatawa.
"Totoo naman talaga kasi ‘yun Thomas eh. Talagang mahal na mahal kita." Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi.
"So kung ayaw mong magpakasal, ano ang gusto mong gawin natin?"
Nilapit ko nang sobrang lapit ang mukha ko sa kanya. "Magtanan na tayo." I gave him my super serious look.
Hindi agad nakasagot si Thomas. Halatang nabigla siya.
"Seryoso? Paano ba yan, wala tayong mga dalang gamit pero magagawan naman natin yan ng paraan. Tapos magpapakasal rin tayo pagka-graduate natin. Pero bago ang lahat ng yan, kailangan muna nating humanap ng matitirhan at kailangan ko ring humanap ng trabaho para pang-tustos sa lahat ng gastusin. Siguradong magiging sobrang busy ko na dahil may trainings, academics at trabaho pa na idagdag sa aking schedule. Maybe I should just quit being a Green Archer dahil hindi ko na-"
"HAHAHAHAHA!!!" Naputol ang paglilitanya ni Thomas dahil sa aking pagtawa.
"Ano ba ang nakakatawa sa sinabi ko, Ara?" Thomas gave me a very confused look.
"Ikaw. Ang dami-dami mo nang sinasabi eh joke lang naman yung sinabi ko. Ano ka ba!"
Hindi na maipinta ang ekpresyon sa mukha ni Thomas. Halatang naaasar.
"Uy, sorry na. Hindi ko naman ‘yun sinasadya." Hindi pa rin umiimik si Thomas.
"Sorry na Thomas…" Pa-cute slash puppy dog eyes look.
BINABASA MO ANG
Engaged To My Enemy (ODTT Book 2)
RomanceFrom enemies to being engaged? Ara's hate for Thomas eventually turned into love. Ngayong engaged na sila, wala nang makakahadlang pa sa kanilang pagmamahalan. They expected a smooth and happy journey from their engagement until their marriage. Pero...