Chapter 3
Thomas
Nagising ako dahil sa pakaramdam na parang may nakayakap sa’kin. Nag-iisa lang naman ako sa aking kwarto, lalung-lalo na sa kama. Sinubukan kong buksan ang aking mga mata pero nasisilaw ako. Ugh! Sino ba kasi ang nag-alis ng mga kurtina sa aking kwarto? Pumapasok tuloy ang liwanag. Gumalaw ako nang konti. Baka panaginip ko lang na may nakayakap sa’kin. Pero totoo nga. Talagang may katabi ako sa pagtulog. I immediately got up! Teka, this is not my room! Nilibot ko ang aking paningin and I realized na wala talaga ako sa aking kwarto! Ramdam na ramdam ko ang init mula sa mismo sa langit. I scanned the place at nakita ko ang playground, ang mga bench, mga staues… at hindi naman malambot ang hinihigaan ko dahil instead of the soft mattress, I can feel instead the grass. And then suddenly I was fully awake and the realization dawned on me- nasa park ako. I looked to my left para tingnan kung sino ang katabi ko- ang katabi at nakayakap sa’kin kanina ay walang iba kundi si Ara. Hala, nakatulog kaming dalawa sa park? Naramdaman kong gumalaw si Ara sa aking tabi. Nag-inat siya nang konti. Ang ganda pa rin niyang tingnan kahit bagong gising. Kahit na nagkalat na ang makeup sa kanyang mukha, magulo ang kanyang buhok at may bakas pa rin ng laway sa gilid ng kanyang labi. She just looks so fresh and adorable. I can’t help but to fall in love with her even more.
“Good morning, Ara. Did you sleep well?”
Mukhang disoriented pa rin siya dahil tiningnan niya ako with confused look of hers. At tiningnan ko kung paano nagbago ang look niya from being disoriented, confused and finally shocked.
“Thomas! Teka, bakit nandito tayo? Magkatabi tayo natulog? May nangyari ba sa’tin?” She covered herself na para bang nakahubad siya. Napatawa na lang tuloy ako sa kanyang reaksyon.
“O ba’t tumatawa ka dyan? Hoy Thomas! Humanda ka talaga sa’kin! Wala namang nakakatawa sa mga sinabi ko ah!”
Hindi ko pa rin mapigilan ang aking sarili na hindi tumawa. Nakakaaliw kasi siya.
“Nakatulog tayo habang pinapanood ang mga bituin. Obviously, dito tayo natulog. And no. Halata naman sa itsura natin.” Sabi ko sa kanya sa pagitan ng pagtawa.
“Huh?” Lutang na tanong niya.
“Sagot ko sa mga tanong mo kanina. In order na ‘yun.” Mukhang unti-unti niyang pina-process ang mga sinabi ko kanina.
“Oh my gas! At nakita mo pa ako na ganito ang aking itsura. Nakakahiya!” Pilit niyang inaayos ang kanyang buhok pero mas lalo lang itong gumulo. I held her hand to stop her.
“Ano ba? Bitiwan mo nga ako. Mukha na nga akong bruha.” Ang mukha naman niya ang pilit niyang pinupunasan pero hinwakan ko ‘yun ulit.
“Hindi mo na kailangang mag-effort para magmukhang maganda sa harapan ko. Because in my eyes, you’ll always look beautiful kahit ano pa ang porma, itsura at bihis mo.”
“Ganun? Alam mo Thomas, minsan nami-miss ko ‘yung dating ikaw. Gusto kong balikan ‘yung mga panahong galit at magkaaway pa ang turing natin sa isa’t isa.”
BINABASA MO ANG
Engaged To My Enemy (ODTT Book 2)
Roman d'amourFrom enemies to being engaged? Ara's hate for Thomas eventually turned into love. Ngayong engaged na sila, wala nang makakahadlang pa sa kanilang pagmamahalan. They expected a smooth and happy journey from their engagement until their marriage. Pero...