Chapter 13
Ara
Nagising ako dahil sa ingay ng boses ni Mommy mula sa labas ng aking kwarto.
“Ara, anak! Please wake up!”
“Huh?” Medyo disoriented ko pa ring sabi.
“Ara, gumising ka na. May good news kami sa’yo! Open the door please!” Halata sa boses ni Mommy ang pananabik.
“Ano ba ‘yun, Mi?” Pinilit ko ang aking sarili na bumangon at halos gumapang patungo sa pinto. Binuksan ko na ito.
Nagulat ako nang bigla na lamang akong yakapin ni Mommy pagkabukas ko ng pinto.
“We did it, Princess! We did it!” Masayang-masayang wika ni Mommy sabay yakap sa’kin.
“Anong ibig niyong sabihin, Mi?” Hindi ko talaga ma-gets kung bakit hyper na hyper si Mommy ngayon. Idagdag pa na bagong gising lang ako at hindi pa fully gumagana ang aking utak kaya medyo loading pa ako.
“You’re in once again. Pwede ka nang maglaro sa game ninyo this Saturday!” Ngiting-ngiting pahayag ni Mommy.
Nag-loading muna ako ng ilang segundo bago tuluyang nag-sink in sa aking utak ang balita ni Mommy.
“Talaga Mi?! Wow!” Yun lang ang tangi kong nasabi.
“Yup. Finally!” Wagas talaga ang kagalakan sa pagmumukha ni Mommy ngayon.
“Pero segurado ba kayo? As in sure na ba talaga yan?” Medyo nag-aalinlangan pa rin ako.
“Yes, apo.” Biglang dumating sina Lolo Guille at Daddy Antonio.
“Pero paano?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila.
“Hindi nga rin namin alam, anak. Basta pumunta kami doon ng Lolo Guille mo kahapon para umapela. At first sobrang tigas pa nila. Hindi na daw pwedeng bawiin kung ano ang inanunsyo sa media. Talagang nagpigil kami ng galit sa kanila. They were so unreasonable ni hindi na nga sila pumayag na ipa-pregnancy test ka para i-prove na mali ang paratang nila.” Pagbabahagi ni Daddy.
“So paanong naging okay na sila ngayon?” Tanong ko.
Si Lolo Guille ang sumagot sa aking tanong. “Hindi rin namin alam, apo. Nakapagtataka pa nga. They were so unreasonable at first but after they received that mysterious phone call, bigla na lang nagbago ang ihip ng hangin. They were all smiles nung sinabi nilang pwede ka na daw bumalik sa paglalaro at kasali ka na ring muli sa MVP race.”
“Lolo, Dad, do you have any idea kung sino ang taong tumawag sa kanila?”
“No. Pero malakas ang kutob kong siya rin ang may pakana sa pagkakatanggal sa’yo. Whoever this person is, may mensahe siyang gustong iparating sa atin.” Puno ng pagdududa ang boses ni Lolo.
“What matters is okay na si Ara. Nasa MVP race ulit siya at pwede na siyang maglaro.” Singit ni Mommy.
“Pero hindi pa rin nito mabubura ang gusot at gulo na ginawa nila. Lalo na sa aking anak. Napahiya at naparatangan ang aking Ara ng mga hindi magagandang salita tapos ganun na lang ‘yun? They should be paying for moral damages.” Matigas na pahayag ni Daddy.
“There’s definitely something fishy going on around here. Oras na malaman ko kung sino ang may pakana ng lahat ng ito, magtago na siya dahil talagang pagbabayarin ko siya!” Halata ang asar at galit sa boses ni Daddy.
“Wag ka munang magpadalos-dalos, Antonio. I’ll have this investigated. Once I find out the results, that’s when we’ll take the necessary action.” Puno ng awtoridad na sabi ni Lolo Guille.
BINABASA MO ANG
Engaged To My Enemy (ODTT Book 2)
Roman d'amourFrom enemies to being engaged? Ara's hate for Thomas eventually turned into love. Ngayong engaged na sila, wala nang makakahadlang pa sa kanilang pagmamahalan. They expected a smooth and happy journey from their engagement until their marriage. Pero...