Chapter 11
Ara
“Good morning, love…” Nakangiting bati sa’kin ni Thomas.
“Good morning din…” Gumanti ako ng ngiti at bati sa kanya.
“Merry Christmas!” Hinalikan ako ni Thomas sa aking ilong.
“Merry Christmas! Ang aga-aga, tsumatsansing ka na sa’kin.”
“Ang aga-aga, nagtataray ka na…” Inaantok na sagot ni Thomas.
Awwwhh… ang sarap talaga ng feeling na katabi mo ang minamahal mo sa tuwing gigising ka. Yieee… parang pina-practice na talaga namin ni Thomas ang mga mangyayari kapag nagpakasal na kami. Kailangan ko na talagang mag-adjust para masanay ako na may katabi sa kama everytime na matutulog na ako. Pero wait, hindi naman kami magkatabi ni Thomas kagabi ah?
“Teka, ba’t magkatabi na tayo ngayon? Di ba sa sahig ka natulog kagabi?” Bumangon ako.
“Sus, kung maka-react parang hindi pa tayo natulog nang magkatabi dati.”
“Sagutin mo ako Torres! Magkatabi ba tayo buong gabi?!” Tinaasan ko pa siya ng kilay.
“Easy ka lang, hindi ka pa nga nagto-toothbrush.” Tatawa-tawang sagot ni Thomas. Agad kong tinakpan ang aking bibig.
“What do you think?” Ngumiti siya na parang nanunukso.
“Nagiging clingy ka na naman.” I rolled my eyes at him.
“Look who’s talking. Hindi naman kasi ako ang parang bata kagabi na nagkaroon ng nightmares kaya sumisigaw ng Thomas, don’t leave me. Stay with me…” Thomas imitated my voice in a really very annoying manner. Agad akong nag-blush as the realization dawned on me. Oo nga pala, nanaginip ako kagabi na iniwan daw ako ni Thomas. Tapos bigla ko na lang naramdaman na may tumabi sa’kin. Niyakap niya ako and sang me back to sleep. Gosh! I can’t help but blush as I replayed in my mind what happened.
“So naalala mo na?” Thomas smiled teasingly pero inirapan ko lang siya.
“Akala ko ba hindi ka sanay na walang katabi. Ba’t parang hinahanap-hanap mo yata ako?” Ugh! Eto na naman… nasa pang-aasar mode si Thomas.
Hindi ko siya sinagot. Kinuha ko ang mga gamit ko mula sa maleta at nilampasan siya.
“Uy, sa’n ka pupunta?”
“Anong bang paki mo?”
“Wag mo naman akong layasan.”
“Anong lalayasan ang pinagsasabi mo? Pupunta ako sa bathroom dahil maliligo na ako!”
BINABASA MO ANG
Engaged To My Enemy (ODTT Book 2)
RomanceFrom enemies to being engaged? Ara's hate for Thomas eventually turned into love. Ngayong engaged na sila, wala nang makakahadlang pa sa kanilang pagmamahalan. They expected a smooth and happy journey from their engagement until their marriage. Pero...