Chapter 16

3.9K 137 46
                                    

Chapter 16

Ara

Nakahiga ako sa aking kama habang nakatitig sa kawalan, iniisip pa rin kung ano na ngayon ang mangyayari sa aming dalawa ni Thomas. I texted him several times pero ni isa, wala siyang reply. Thomas naman kasi eh! Kasalanan ko na, I admit pero sana naman wag mong patagalin ang tampuhan natin. Heto nga’t may bago na namang problema. Hay.

Kailangan niya akong tulungan sa problemang ito dahil kung hindi, siguradong tapos na ang aming love story. God forbid. Huhuhu….ang saklap naman. Hindi ako papayag. Dati pilit nila kaming pinaglalapit tapos ngayong okay na kami, paghihiwalayin naman nila kami. Ano ba talaga? Maloloka na ako sa kakaisip ng mga ito eh… ayoko na nga. Masyadong masakit sa bangs, ay wala pala akong bangs. Masyadong masakit sa heart.

I dialed Thomas’ number again pero ring lang ito ng ring. Ano ba Thomas! Sagutin mo naman ang tawag ko! Napabuntong-hininga na lang ako. Mukhang wala pa talaga sa mood si Thomas na makipag-ayos sa’kin kaya hahayaan ko na lang muna siya. Baka siya na mismo ang makipaghiwalay at agad-agad na pumayag sa kanilang plano kapag pinilit at kinulit ko pa siya. Give him some time to think… pero sana naman hindi ganun ang katagal dahil baka huli na ang lahat!

Hay buhay! Para ka talagang life! Nakakainis ka! Minsan ang saya-saya ko at pakiramdam ko forever na akong magiging Masaya pero binabawi mo rin naman ito dahil napapadalas na talaga ang pagpapaiyak at pang-iinis mo sa’kin. Pero mali naman itong ginagawa ko eh… hindi ko dapat sinisi ang life sa mga nangyayari sa’kin. Dapat kasi manalig ako sa Diyos dahil pagsubok lang ang lahat ng ‘to.

“Maam Ara, pinapatawag ka ng iyong Lolo.” Naputol ang malalim kong pagmumuni-muni nang kumatok si Aling Crissy sa aking pintuan.

“Bakit daw?” Kahit may ideya na ako, pinili ko pa ring mag-usisa para mas lalong ma-delay.

“Aba’y malay ko. Katulong lang yata ako dito.” Mataray na sagot ni Aling Crissy.

“Hindi ako bababa kapag hindi mo sinasabi sa’kin ang dahilan.” Pangungulit ko pa.

“Magagalit ang Lolo mo kapag hindi ka pa bababa.”

“Eh di hayaan niyo siyang magalit.” Sagot ka sa kanya sa bored na boses.

“Wala ka bang pakialam kapag ako ang napagalitan ng Lolo mo?” Na-iimagine ko na ang namumulang pagmumukha ni Aling Crissy. Bwahahaha!!!

“Wala.”

“Sige na nga! Bababa ulit ako para tanungin ang Lolo mo.” Yes! Narinig ko ang mga hakbang ni Aling Crissy na pababa. Hinayaan ko na lang siya… bahala siyang mag-explain kay Lolo. Wala ako sa mood na maging mabait ngayon.

Ilang minuto ang lumipas at muli kong narinig ang mga hakbang ni Aling Crissy sa labas ng aking kwarto.

“May pag-uusapan daw kayo na importanteng bagay.” Yamot niyang sabi.

“Talaga? Gaano ka-importante?” Pang-iinis ko pa.

“Diyos ko Ara! Pwede bang ikaw na lang ang bumaba? Maha-highblood na ako!” – Manang Crissy

“Talaga po Manang? Eh ang lusog-lusog niyo pa nga eh…”

“Basta buksan mo na lamang tong pinto! Bumaba ka at kausapin mo na ang iyong Lolo!” Aniya sa nagmamakaawang boses.

“Pwede bang mamaya na lang? Masakit pa kasi ang ulo ko.” Talagang ayokong makipag-usap kay Lolo dahil alam ko kung ano ang sasabihin niya at kapag lumabas na iyon mula sa kanyang bibig, alam kong official na talaga ‘yun.

“Bumaba ka na kasi kundi lagot ka sa kanya!” Pananakot sa’kin ni Aling Crissy.

“Bakit, aanhin ba ako ni Lolo? Papaluin?” – Me

Engaged To My Enemy (ODTT Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon