Chapter 6

8.9K 120 13
                                    

Chapter 6

Ara

 

Sobrang bilis talaga ng panahon. Before I knew it, December na pala at nagsimula na naman ang volleyball season. Siguro sobrang busy talaga ako, not to mention pagod nung November dahil halos araw-araw talaga kaming nagte-training kaya hindi ko halos namalayan na isang buwan na pala ang lumipas. Hindi nga nagbiro si Coach Ramil nung sinabi niyang expect harder and more tiring weeks ahead dahil talagang pinanindigan niya ang kanyang sinabi. Siya na ang lalaking may isang salita. Chos. Hahahaha…

Anyhow, dahil sa sobrang bilis ng takbo ng panahon, natapos na namin ang aming apat na laro and the best part is three sets lang ang lahat ng laro namin. Yup, na-sweep namin ang aming mga kalaban, para lang kaming mga janitress. Okay, ang corny –corny ko na talaga. Kaya masasabi ko talaga na sobrang worth it ‘yung lahat ng pagod namin sa training kahit medyo maaga pa para magsaya ako dahil kaka-start pa nga lang ng season na ‘to. Pero kahit ganun, masaya pa rin ako dahil bakasyon na rin namin!!! At least, for now. Tapos na ang last game namin for this year kahapon.

Ngayon naman, nandito ako ngayon sa San Juan Arena para panoorin ang PCCL kung saan maglalaro para sa championship ang pinakamamahal kong si Thomas and the Green Archers against the Southwestern University Cobras. Oh di ba bongga sila? Pag nagkataon, makakadalawang championship sila for this year. Hindi naman sa nagyayabang ako pero feel ko talaga ako ang lucky charm ni Thomas. Hahahaha!!! Isa pa, sobrang proud na proud talaga ako sa aking boyfriend.

Mag-isa lang akong nakaupo ngayon dito sa benches dahil busy lahat ng mga kaibigan ko. Si Mika naman, nagdahilan na mag-aaral pa daw siya dahil may quiz sila. If I know, palusot lang niya ‘yun para maiwasan si Jeron. Kilala ko ang aking bestfriend, hinding-hindi ‘yun nag-aaral kahit may exam pa siya kinabukasan. Sobrang feeling genius yata! Pero hindi ko rin maintindihan kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa ni Jeron. Mukhang okay naman sila noon. Akala ko pa nga si Jeron na ang sasagutin ni Mika. Team Jeron pa naman ako! Sayang nga lang at nanaig pa rin si Kiefer sa huli so wala na rin akong choice. Kung saan masaya si Mika, dun na rin ako. Ngunit nung naging sina Kiefer at Mika na, nagbago na ang trato nina Jeron at Mika sa isa’t isa. Hindi ko rin naman alam kung ano talaga ang tunay na nangyari dahil hindi naman sinabi sa’kin ni Mika. Hay buhay… parang life…

Sobrang lalim na ng aking iniisip kaya hindi ko napansin ang camera sa tapat ko. Naramdaman ko na lamang na sa akin na pala nakatapat ‘yung camera at dinig na dining ko ‘yung sinabi ng commentators.

“Ara Galang is also present in the Arena! Obviously cheering for the Green Archers and her boyfriend who is playing for the Green Archers, Thomas Torres. Oh wait! I’m sorry, it’s actually fiancé. The announcement of their engagement just happened last October 30.”

“It’s really quite romantic. Two student-athletes getting married. I wonder kung anong sports ang lalaruin ng mga magiging anak nila…” At nagtawanan ang dalawang commentators.

Ramdam na ramdam ko tuloy ang pamumula ng aking pisngi. This is really embarrassing. I just smiled and waved hello sa camera. Pagkatapos ng ilang minuto, nawala na rin ang pagkaka-focus sa aking pagmumukha. Hay salamat naman Lord! Sanay akong nakikita si TV pero hindi bilang audience kundi bilang manlalaro. Mas hindi ko kasi napapansin ang camera kapag ako ang naglalaro.

Engaged To My Enemy (ODTT Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon