Chapter 14

4.9K 117 33
                                    

A/N:

You can skip this part if you want. ^_^

Gusto ko lang ipaalam sa inyo na plano ko talagang pahabain ang story na to… (mas maraming chapters compared  sa Make It Real at Operation: Destroy Thomas Tores) kaya sinadya kong damihan ang twists sa story na to. Sana hindi pa kayo confused. Or kung confused na kayo, narito ang mga pangyayari mula sa mga nakaraang kabanata:

Officially engaged na nga sina Thomas at Ara at inanunsyo na ito sa buong mundo.

Happy together na sana ang couple nang bigla na lamang pinagbawalan si Ara na maglaro sa Season 76 at hindi na rin siya kasali sa MVP race. Samantala, nalaman naman ni Thomas na posibleng hindi siya tunay na anak ni Teresa at posibleng si Patricia, ang unang asawa ng Dad niya, ang tunay niyang ina. Mas lalo pang gumulo ang sitwasyon nang biglang pumasok si Patricia sa kanilang mga buhay; muling bumalik ang isang taong matagal nang patay. Nalaman rin nilang si Patricia pala ang nagpatanggal kay Ara sa MVP race.

P.S. Kailan po ba ang birthday ni Thomas? Gawa-gawa ko lang kasi ang brthdate niya dito. Per kung alam niyo, paki-comment na lang po sa baba para ma-edit ko. Hehehe… thank you ulit ^^

…………………………………………………………………………………………………………

Chapter 14

Ara

“Mr. Guilliermo Galang, dala ko na po ang envelope na naglalaman ng lahat ng mga impormasyon na ipinahanap niyo sa’kin.” Inabot ng private investigator nina Lolo ang isang long envelope at tinanggap naman ito ni Lolo. Nakaupo sina Lolo Guille at Daddy Antonio sa may couch habang nasa kabilang side naman kaming dalawa ni Mommy.

“Salamat Mark. Kahit kailan, mapagkakatiwalaan ka talaga.” Nakangiting sagot ni Lolo sa kanya. Si Mark ay galing sa mga sikat na pamilya ng mga imbestigador. Matalik na kaibigan ni Lolo Guille ang kanyang lolo at pinagkakatiwalaan rin ni Lolo ang ama ni Mark.

“Walang pong anuman, Don Guilliermo. Kung may kailangan pa kayo, tawagan niyo lang po ako.” Pahayag ni Mark.

“Tatawagan ka na lang namin kapag may gusto pa kaming malaman. Maaari ka nang umalis.” Sabi naman ni Daddy.

“Maraming salamat po Sir Antonio. Tutuloy na ako. Maam Trina, Ara…” Tumango siya sa’min bago tumayo mula sa kanyang kinauupuan at naglakad palabas ng bahay namin.

“So, ano ang mga impormasyon na nakalagay dyan? Kilala na ba natin kung sino ang misteryosong caller?” Agad na tanong ni Mommy.

Binuksan na ni Lolo Guille ang envelope at nilabas ang mga papel sa loob. Binasa niya ito at biglang napakunot sa kanyang noo. Ibinigay naman niya kay Daddy ang mga papel. Pati si Daddy ay ganun din ang reaksyon.

“Dad, Antonio… don’t leave me and Ara clueless here. So ano ang sabi sa mga papel?” Pangungulit ulit ni Mommy.

“Ara, pumasok ka muna sa kwarto mo.” Biglang sabi ni Dad.

“Pero bakit Dad?”

“Basta.”

“Ayaw mo bang malaman ko kung sino ang may pakana ng lahat?” Tanong ko ulit sa kanya.

“Hayaan mo na munang kami ng Lolo mo ang mag-handle ng problemang ito.” Daddy calmly said.

“Pero kasali rin naman ako sa problemang ito ah… ako nga ang tinitira.” Reklamo ko.

“Sige na Ara, wag nang matigas ang ulo. Umakyat ka na muna.” Pagsang-ayon ni Lolo sa sinabi ni Daddy.

“Dad, Lolo, hindi ako aakyat hangga’t hindi ninyo sinasabi sa’kin kung sino siya.” I said with conviction.

Engaged To My Enemy (ODTT Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon