Chapter 22
Thomas
I don’t understand kung bakit kailangan pa naming pumunta sa lugar na sinasabi ni Patricia. Ayon sa kanya, may mahalagang bagay daw siya na i-aanunsyo. I snorted. For all I know, magpapasikat na naman siya o baka isang malaking patibong lang ang lahat ng ‘to.
“Mom, are you sure this is a good idea? Baka ipahamak tayo ng babaneg ‘yun.” Sabi ko kay Mommy habang nasa sasakyan kami.
“Kahit ako ay ayaw kong makaharap si Patricia but we have to. Kailangan nating malaman kung ano ba talaga ang gusto niya mangyari.” Sagot sa’kin ni Mommy.
Pumasok na si Daddy sa kotse pagkatapos may kausapin sa kanyang cellphone. Pagkapasok niya, nakita kong madilim ang ekspresyon niyo.
“Everything all right, Theo?” Nag-aalalang tanong ni Mommy.
“Talagang hindi tayo titigilan ng babaeng ‘yun hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niya.” – Dad
“Ano ba ang gusto niya Dad? Do we really have to attend this nonsense meeting of hers?” Tanong ko naman kay Daddy.
“I guess we have to. Siya ang kausap ko kanina, sa meeting na ‘to daw natin malalaman ang lahat. Plus, we have to be there for Tito Guilliermo’s family. Ayon kay Patricia, imbitado din daw sila.” Dad exhaled.
“You mean nandun din si Ara?” – Me
“Parang ganun na nga, Thomas.”
Sa mga narinig ko mula kay Dad, parang kailangan ko nga talagang umattend sa “meeting” kuno ni Patricia. Baka kung ano ang maisip ng baliw na ‘yun at saktan pa niya si Ara. Hinding-hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag napahamak si Ara dahil sa’kin.
Ara
“I’m here now. What’s going on? Are Dad and Lolo okay?” Tanong ko kay Mommy pagkatapos niya akong salubungin at halikan sa pisngi.
“Yes, okay naman silang dalawa Princess. Kaya lang si Patricia…” Sinasabi ko na nga ba may kinalaman na naman ang babaeng ‘yun. Mula nang dumating siya sa mga buhay namin, parang araw-araw na lang yata may hindi magandang nangyayari.
“Ano na naman ba ang ginawa niya?” I said obviously annoyed.
“She invited us to this meeting dahil may importanteng announcement daw siya. I’m sure may kinalaman ito sa inagaw niyang kumpanya sa’tin.” Sabi ni Mommy.
“Kailan naman ang meeting na ‘yan?”
“Ngayon na. Kaya tinawagan kita agad. Tumawag dito si Patricia kanina para sabihin ang tungkol sa meeting na ‘to.”
“Eh sina Lolo at Daddy?”
“Nasa opisina ang Daddy mo nung tumawag si Patricia. Tinawagan ko na lamang si Antonio para ipaalam sa kanya na dumerecho na dun sa restaurant na sinabi ni Patricia kung saan tayo magkikita. Ang lolo mo nama’y umalis patungong Japan. Pinagbakasyon na muna namin siya ni Antonio. Natatakot kami na baka makasama sa kanya ang sobrang stress dito.” Paliwanag sa’kin ni Mommy.
Tumango lang ako bilang sagot. “Tungkol saan naman po daw ang announcement niya?”
“Hindi niya sinabi but knowing that woman…” Hindi na tinuloy ni Mommy. Pareho kasi kami ng paniniwala na ang pangalang Patricia ay synonymous na sa salitang problema.
“Baka tungkol sa kagustuhan niyang ipakasal ako sa anak niya.” Hinala ko.
“Baka nandun din sina Thomas. Pero wala namang nabanggit si Patricia na kasali ang mga Torres sa ipinatawag niyang meeting. Sa pagkakatanda ko, si Thomas lang ang posibleng anak niya. Bakit magiging issue pa sa kanya yun kung engaged na rin naman talaga kayo ni Thomas in the first place?” Nagdududang tanong ni Mommy.
BINABASA MO ANG
Engaged To My Enemy (ODTT Book 2)
RomanceFrom enemies to being engaged? Ara's hate for Thomas eventually turned into love. Ngayong engaged na sila, wala nang makakahadlang pa sa kanilang pagmamahalan. They expected a smooth and happy journey from their engagement until their marriage. Pero...