Chapter 17
Thomas
I can’t believe na nagawa yun ni Ara. Of all the people na malapit sa’kin at pinakamamahal ko, siya pa. She tried to reason out with me pero talagang labis akong nasaktan sa kanyang ginawa. Oo na, bestfriend niya si Mika and the two of them are practically like sisters pero hindi naman ibig sabihin dun pwede nang i-share ni Ara ang aking sekreto. Kahit engaged na kami and soon, what’s mine would eventually be hers (and vice versa), may mga personal pa ring bagay na dapat ay hindi basta-basta nilalahad o pinapaalam gaano man kalapit sa’yo ang taong ‘yun.
But Ara is just concerned. Isa pa, hindi lang naman ikaw ang may problemang pinagdadaanan.
Yun ang sabi ng isang bahagi sa aking isipan, but still… Si Ara yun eh. I trusted her. Or maybe nagkaroon lang talaga kami ng miscommunication gawa ng mga pangyayari.
Ang dami-dami ko na talagang problema. Parang araw-araw palaging may bagong problema na dumarating. Naka-unli ba siya at wala yata siyang balak na mag-expire? Hindi ko pa nga naso-solve yung problema namin ni Daddy tapos may hindi pagkakaunwaan naman kami ni Ara ngayon.
O baka naman ikaw lang ang gumagawa ng sarili mong problema. Hindi naman intensyon ni Ara na pahiyain o saktan ka.
Tumahimik ka na nga konsensya! Mas lalo mong ginugulo ang isipan ko. Idagdag pa ang napakaingay kong cellphone na ring lang nang ring. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag.
Si Ara na naman. Nakita ko rin na napakarami ko palang unopened messages. Galing rin ang lahat ng ‘yun kay Ara.
See? Sabi ko naman kasi sa’yo concerned lang talaga si Ara. How else would you explain her actions? Mahal ka nga niya kasi. Siya na mismo ang gumagawa ng paraan para magkausap at magkaayos kayo.
Heto na naman siya, pinapaonsensya na naman ako. Tsss…. Mabuti pa’y bumaba na muna ako sa kitchen. Nakakagutom din pala itong ginagawa kong pag-iisip at pag-eemote. Isa pa, hindi na rin ako masyadong nakakain nung nag-away kami ni Ara.
I went downstairs and headed straight sa kitchen. Pagpasok ko dun ay nadatnan ko si Mommy na abalang-abala sa pagluluto.
“Mom! Bakit kayo ang gumagawa niya?” Agad ko siyang nilapitan at sinubukan kong kunin ang hawak-hawak niyang mixing bowl at spatula pero nilayo niya ito sa’kin.
“Di ba ako naman talaga ang nagluluto dati pa?” Tinaasan niya ako ng kilay.
“Pero Mom, dati ‘yun. Iba na ngayon.” Nakita kong nag-iba ang ekspresyon ni Mommy. Parang bigla na lamang siyang lumungkot.
“Mom, that’s not what I meant. What I’m trying to say is may sakit kayo. Ayokong mapagod at ma-stress ka. Baka mabinat ka lang…” I tried to explain.
“I perfectly know what I’m capable of doing Thomas. Katawan ko ito kaya alam ko kung kaya ko ang isang gawain o hindi. Okay na rin naman ako di ba? Parang mas lalo lang akong magkakasakit kapag nakahiga ako sa kama buong magdamag.”
Napaisip ako sa mga sinabi ni Mommy. Fine. May point nga siya. Mukhang therapeutic din naman ang pagluluto at nakakatulong rin ito para mabawasan ang pagiging stress ni Mommy.
“Sige na nga. Which one should I taste first?” I said while raising my hands in surrender.
“Now that’s more like it!” Nakangiti na ngayon si Mommy.
“You should taste my chicken curry but since hindi pa siya ready, you can try the salad first.” Masiglang pahayag ni Mommy sabay abot sa’kin ng maliit na bowl at isang tinidor kasabay ng bowl na nilagyan niya ng salad.
BINABASA MO ANG
Engaged To My Enemy (ODTT Book 2)
RomanceFrom enemies to being engaged? Ara's hate for Thomas eventually turned into love. Ngayong engaged na sila, wala nang makakahadlang pa sa kanilang pagmamahalan. They expected a smooth and happy journey from their engagement until their marriage. Pero...