Chapter 23
Ara
“Wala pa rin ba, best?” Nag-aalalang tanong sa’kin ni Mika. Kasalukuyan kaming nasa MOA Arena ngayon dahil sa second round match namin versus Ateneo.
“Diyos ko naman Mika, may laro tayo ngayon tapos dini-distract mo si Ara. Pinag-aalala mo pa siya.” Bulalas ni Kim sabay batok kay Mika.
“Aray ko Kim! Sorry ha? Nag-aalala rin naman kasi ako hindi lamang para kay Thomas kundi para sa bestfriend ko! Ikaw ba naman ang ipapakasal hindi sa boyfriend mo kundi sa mismong kapatid pa niya. Imagine!!!” Pagtatanggol naman ni Mika sa kanyang sarili.
“Will you two stop it? Hindi kayo nakakatulong kay Ara lalo na sa laro natin ngayon. Tandaan ninyo, ngayon natin malalaman kung stepladder ba o hindi ang final four kaya importanteng manalo tayo para makuha natin ang thrice to beat advantage sa finals.” Paliwanag ni Cyd.
“Girls, pwede bang mamaya na kayo magtalo? Mag-focus muna tayo sa laro ngayon.” Paalala sa’min ni Ate Abi kaya natahimik kaming apat.
“Wag kang mag-alala best, Thomas never misses any of your games. Baka nanonood siya ngayon.” Bulong sa’kin ni Mika bago kami pumasok sa court.
Pinanghawakan ko naman ang sinabing iyon ni Mika. Hindi na ako nagkaroon pa ng time na hanapin si Thomas sa crowd dahil agad na nagsimula ang game. Ipiniling ko ang aking ulo. Kakalimutan ko muna ang lahat ng mga problema ko sa ngayon dahil kailangan kong mag-focus sa aming laro. Sana ay nandyan lang si Thomas para suportahan ako dahil isa siya sa aking inspirasyon sa paglalaro.
Wew! Buti na lang at effective kahit papano ang ginawa ko kanina dahil natalo namin ang Ateneo. So it’s official: derecho na kami sa finals at may thrice to beat advantage rin kami! Masayang-masaya ang buong team pati na rin ang aming fans. Ayokong mag-assume pero parang nangangamoy 4-Peat na. Hehehe… kahit papano ay gumaan ang loob ko. Volleyball is a very good distraction para pansamantala kong makalimutan ang mga problema ko. Sa loob kasi ng court, wala ka nang ibang iisipin kundi paano dumiskarte para maka-iskor. But then again, isa ring mental game ang volleyball at nasa sa’yo na ‘yan kung magpapadala ka ba sa mga distractions on and off the court.
“Congratulations girls! We did it! Finals here we come!!!” Masayang pahayag ni Ate Moki.
“Malapit na tayo sa ating ultimate goal na mag-champion ulit, girls. Wag na wag niyong pakakawalan ang pagkakataon nating mag-4 Peat. As usual, training pa rin tayo nang maaga simula bukas.” Yun lang ang tanging sinabi ni Coach Ramil bago kami pumasok sa dugout para mag-shower.
Kahit papano’y gusto kong mag-celebrate dahil na-sweep namin ang elimination round at gusto ko itong i-celebrate kasama si Thomas. Hinahanap siya ng mga mata ko sa crowd pero ni anino ni Thomas, wala akong nakita.
“Best, nakita mo ba si Thomas?” Tanong ko kay Mika.
“I’m sorry best pero wala eh. Si Kiefer lang ang nakita ko.” Muli akong kinabahan at nag-alala sa sinabi ni Mika. Nasan na si Thomas? Okay pa rin naman kami di ba sa kabila ng mga paratang ni Patricia? Hindi na kasi kami muling nagkita ni Thomas kaya hindi ko tuloy alam kung ano ang dapat kong gawin.
“Pero don’t worry best, baka nauna na siya sa labas at hinihintay ka. Tingnan mo nga, ang dami-daming tao tapos marami rin namang fans si Thomas. Baka pinagkakaguluhan siya kaya nauna na lang siyang lumabas.” Pilit na pinapagaan ni Mika ang kanyang boses at inakbayan niya ako papasok sa shower room. Sana nga Mika, sana totoo ang mga sinabi mo.
“He’s not here.” Anunsyo ni Kim habang nakatayo kami sa labas ng MOA Arena.
“Alam namin Kim, hindi mo na kailangang i-announce.” Ani Mika sa naiinis na tono.
BINABASA MO ANG
Engaged To My Enemy (ODTT Book 2)
Storie d'amoreFrom enemies to being engaged? Ara's hate for Thomas eventually turned into love. Ngayong engaged na sila, wala nang makakahadlang pa sa kanilang pagmamahalan. They expected a smooth and happy journey from their engagement until their marriage. Pero...