Chapter 7
Thomas
The next day, inaasahan kong magpapaliwanag sina Mommy at Daddy but they acted as if nothing happened.
“Good morning anak!” Any trace of tears and crying from yesterday were completely gone now. Parang isa na naman itong normal day sa’min.
“Good morning Thomas! How was your sleep?” Kahit si Dad na hindi isang morning person ay mukhang masaya ang gising. He’s actually smiling right now.
“Good morning, Mommy & Daddy. I slept well. Everything’s good.” Umupo na ako sa hapag-kainan namin.
“Kumain ka na anak.”
“Uhm, yung tungkol sa nangyari kahapon. Ano po ba talaga ang totoong nangyari?”
“It was nothing, anak. Wag mo nang intindihin ‘yun.”
“What does she want?” Insist ko sa kanila.
“Please, nasa harap tayo ng pagkain. Hindi natin dapat pinag-uusapan ang mga ganyang bagay dito.” Saway sa’kin ni Mommy.
“Pero nararamdaman ko ang galit mula sa kanya. At bakit kailangan niyo pa siyang kaladkarin, Dad?”
“Thomas!” Mommy said my name with force.
“It’s okay, Teresa. Thomas deserves to know the truth.” Kalmadong pahayag ni Daddy.
“Are you sure?” Tila nag-usap ang kanilang mga mata nang ilang seconds.
“Okay, the truth is nanggugulo ang babaeng ‘yun dahil gusto niyang i-takeover ang buong kumpanya.” Kalamado pa ring sabi ni Daddy.
“Really? But that’s impossible! We own the company!” Hindi makapaniwala kong pahayag.
“Kaya nga delusional na siya. We told her to seek professional help.”
“Pero bakit umiiyak si Mommy kahapon?” Mommy and Daddy looked at each other.
“Because… she was insulting your Mom! She was throwing harsh words at her and you know your Mom, sobrang iyakin. That’s why I had to drag her dahil ayaw niyang umalis sa pamamahay natin.” Paliwanag ni Dad.
“I think that’s enough talk about that woman.” Matigas na sabi ni Mommy.
Pareho naman kaming nag-agree ni Dad. Nagpatuloy na kami sa pag-kain ng aming agahan. Ilang minuto ang lumipas nang biglang pumasok ang maid.
“Excuse me po Sir Thomas. Naiwan niyo po tong cellphone niyo sa kwarto at kanina pa ring nang ring habang naglilinis ako kaya binaba ko na lang.” Inabot niya sa’kin ang aking cellphone na sobrang ingay dahil sa kaka-ring.
![](https://img.wattpad.com/cover/10822402-288-k684362.jpg)
BINABASA MO ANG
Engaged To My Enemy (ODTT Book 2)
Roman d'amourFrom enemies to being engaged? Ara's hate for Thomas eventually turned into love. Ngayong engaged na sila, wala nang makakahadlang pa sa kanilang pagmamahalan. They expected a smooth and happy journey from their engagement until their marriage. Pero...