Chapter 19
Thomas
Babalik ako, Ara. Babalik ako. At ipapakita ko sa kanilang totoo ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa’yo. Hindi ako basta-bastang susuko at magpapatalo. Pagsubok lang ito. Alam kong malalampasin din namin ito ni Ara.
Teka, cellphone ko ba ‘yung tumutunog? Sino na naman ba ‘to? Baka si Mom na naman, getting all paranoid at baka tuluyan ko nang itinanan si Ara. Hindi ko na lamang pinansin ang kanina pa nagri-ring kong cellphone.
Pero on second thought, baka si Ara ito. Baka may emergency sa kanila. Inabot ko ang cellphone mula sa may compartment.
“Hello Ara! Ano, okay lang ba ang lahat diyan? Gusto mo sunduin kita? Babalik agad ako!”
“Uhm, eh… Thomas pare! Unfortunately, hindi ito si Ara. Sorry kung nabigo ka.” I was expecting to hear Ara’s voice pero ang pamilyar na boses ni Kiefer ang narinig ko mula sa kabilang linya.
“No, it’s okay. Ba’t ka nga pala napatawag?” I tried my best to hide the disappointment in my voice.
“Sana hindi ako nakakaabala pero ano kasi eh… may emergency. Pero promise, kung marami lang sana akong choice, hindi na kita lalapitan pero ano…”
“Just spill it, pare. Wag ka nang magpaligoy-ligoy… ano ba talaga ang kailangan mo sa’kin?”
“Can you pick me up? Nandito ako sa may Seven Eleven malapit sa Ateneo…”
“Sige pare. Malapit lang rin naman ako diyan. Dadaanan na lang kita.” Sagot ko sa kanya bago ko tuluyang tinapos ang tawag.
I made the right turn kung saan ang Seven Eleven and as I drive nearer the store, namataan ko agad si Kiefer na nakatayo sa labasan ng tindahan. Nang makita niya ako, kumaway siya at agad na pumasok.
“Thanks pare!”
“Pero teka nga pare, ano ba ang nangyari sa kotse mo? First time yata ito na tinawagan mo ako para maki-sakay. Nasira ba ang kotse mo? Bakit hindi ka na lang nag-commute?” Pabiro kong pahayag kay Kiefer. Nang tumingin ako sa kanya, nakita kong bigla na lamang nagbago ang kanyang ekspresyon.
“Actually pare, may hihingin kasi sana akong malaking favor sa’yo. Kasi naalala ko yung sinabi mo sa’kin noon. Nung time na nakiusap ka sa’kin na kidnapin ko si Ara patungo sa beach resort… sinabi mo na kung may kailangan ako, pwede kitang lapitan.”
“So in short, sinisingil mo na ako?” Pabiro kong sagot sa kanya.
“Parang ganun na nga Thomas. Nagka-problema kasi kami ni Mika eh.” Napakamot pa si Kiefer sa kanyang ulo.
“Anong klaseng problema ba yan, pare?”
“Malaki. Isang malaking disgrasya. Nagkataon pang ngayon na nasa height na kami ng aming UAAP career. Hindi pa nga kami handa kasi wala naman talaga sa plano namin na mangyayari ito.” Habang nagbabahagi si Kiefer, nakita ko ang sobrang takot at pag-aalala sa kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
Engaged To My Enemy (ODTT Book 2)
Roman d'amourFrom enemies to being engaged? Ara's hate for Thomas eventually turned into love. Ngayong engaged na sila, wala nang makakahadlang pa sa kanilang pagmamahalan. They expected a smooth and happy journey from their engagement until their marriage. Pero...