Chapter 4

8.7K 129 12
                                    

Chapter 4

Ara

 

“Mr. Torres, do you think it’s still necessary na sumama ka pa sa’min sa Bacolod?” Tanong ni Coach Ramil kay Thomas. Nasa airport kami ngayon at hinihintay ang flight namin. Kasali kasi kami sa Unigames sa Bacolod kung sa’n kami rin ang defending champions. Magandang opportunity na rin ito para makapaglaro kami sa isang competition kasama ang mga rookies.

Nahihiyang napakamot sa kanyang ulo si Thomas. Isang gesture, as I have come to know him, is a sign na kinakabahan siya. Hahahaha! Buti nga sa’yo Thomas. Masyado kasing confident sa sarili.

“Ah, kasi Coach… future wife ko ang maglalaro sa Bacolod. As her fiancé, I should be there to support her. And of course, be her personal alalay.” Inakbayan pa ako ni Thomas.

“O baka naman excuse mo lang ‘yan para malandi si Ara?” Singit ni Kim. Ugh! Nakakainis talaga kung humirit ‘tong si Kim.

“Eh kung ganyan din naman ang usapan, sana isinama ko na rin pala si Kiefer. Napaka-unfair naman neto!” Reklamo rin ni Mika.

“Kawawa ka naman Mika, buti pa kami ni Arabels, makakasama ang espesyal na tao sa aming buhay.” Pang-aasar pa ni Kim.

“Tumahimik ka nga Kim. Pasalamat ka at volleyball player rin si Mela kaya magkikita pa rin kayo. Sayang nga lang at magiging magkalaban kayo. Di tulad ng Ms. MVP natin dito…” Ganting-asar rin ni Mika.

“Tama na ‘yan girls. Mr. Torres, I honestly think that you might be a distraction to Ara. Baka masyado mo siyang lambingin kay hindi na siya makapag-focus sa laro.” Paalala ni Coach Ramil.

“Sabi ko naman sa’yo dapat hindi ka na sumama eh…” Bulong ko kay Thomas. Hala, nakakahiya kaya itong ginagawa ni Thomas.

“Okay lang ‘yun. I got this covered.” Nag-wink pa sa’kin si Thomas. Wow, confident! Eh halata namang halos mamatay na siya sa nerbiyos nung kinausap siya ni Coach Ramil kanina.

“Pabayaan mo na sila Coach, alam kong mas magiging inspired talaga si Ara na maglaro lalo na’t kasama niya ang kanyang number one fan.” – Ate Abi.

"May magagawa pa ba ako eh may ticket na si Mr. Torres. Sayang naman…” – Coach Ramil

“See? I told you.” Sabi sa’kin ni Thomas kaya nag-roll eyes ako. Alam kong mas lalo siyang magiging feelingero dahil dun.

“Oh siya, tama na ‘yan. Let’s go.” Nauna nang naglakad si Coach Ramil at sumunod naman kami.

“Hoy Thomas, hindi ka ba nahihiya kay coach at sa mga teammates ko? Tingnan mo nga oh, OP na OP ka. Hindi nga sumama si Kiefer eh.”

“Bakit ako mahihiya….?” Natawa ako dahil kumanta si Thomas.

Engaged To My Enemy (ODTT Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon