I know nangako na mag-uupdate ako last week pero bigla na lamang kaming tinambakan ng napakaraming assignments at may extra work rin ako sa aming org kaya ngayon lang ulit ako nakapag-update. Sana mapatawad ninyo ako. Hindi na lang ako mangangako ng exact date kung kelan ako mag-uupdate dahil baka mapako lamang ito.
Once again, SORRY PO…. (Chichay way). Hahaha xD
Btw, hope you’ll enjoy this chapter. ^_^
……………………………………………………………………………………………………………………………………….
Chapter 10
Ara
“Ara, I’m not who you think I am.”
“Anong ibig mong sabihin?” Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Thomas.
“Hindi si Mommy ang tunay kong ina.”
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong reaksyon. Heck, hindi ko nga alam kung ano ang dapat kong sabihin.
“Ba’t mo naman nasabi? May proweba ka ba? Hindi ko kasi maintindihan eh…” Nakikita ko sa facial expression at body language ni Thomas na hindi siya nagsisinungaling o nagbibiro.
“Pumunta ako sa dating katulong nina Lolo kanina kaya hindi ko nasagot ang mga tawag mo. Ayon sa kanya, umalis daw sina Daddy at ang kanyang unang asawa na si Patricia ilang araw bago siya nag-retiro. Ayon pa sa kanya, buntis daw si Patricia nung umalis sila.” Pagbabahagi ni Thomas.
“At iniisip mo na ikaw ang anak na dinadala ni Patricia…” Pagtatapos ko.
“I guess it makes it makes sense. Sabi rin kasi ni Mommy sa Amerika ako ipinanganak.”
“So ipinanganak ka ni Patricia sa America and then she was diagnosed with cancer. Namatay siya, your Dad met Tita Teresa, married her and she took over the responsibility of being your Mom. Is that it?” Pag-aanalisa ko sa mga sinabi ni Thomas.
“Maybe that’s one of the reasons kaya pinupuntahan talaga ninyo ang sementeryo sa Amerika kada taon para bisitahin ang unang asawa ni Tito Theo.” Dagdag ko pa.
“I don’t know… all this time akala ko anak talaga ako ni Mommy….” Confused na confused si Thomas.
“But it doesn’t really matter, does it? Patay na rin naman si Patricia and hindi ka naman nilalayo ng mga magulang mo sa kanya. Yun nga lang, hindi nila inamin sa’yo ang katotohanang siya ang tunay mong ina. But you still have to be thankful dahil minahal ka ni Tita Teresa na parang sarili niyang anak.”
“You don’t understand.”
“Ano ba ang hindi ko naiintindihan dun?”
BINABASA MO ANG
Engaged To My Enemy (ODTT Book 2)
RomanceFrom enemies to being engaged? Ara's hate for Thomas eventually turned into love. Ngayong engaged na sila, wala nang makakahadlang pa sa kanilang pagmamahalan. They expected a smooth and happy journey from their engagement until their marriage. Pero...