Chapter 5
Ara
“Tandaan niyo girls, 2 days lang ang off natin. Pero pagkatapos dun, puspusan na ang training natin dahil next month na ang start ng volleyball season. Expect harder and more tiring weeks ahead. Hindi ko talaga nagustuhan ang performance natin sa Unigames.” Matigas na sabi ni Coach Ramil.
“Yes Coach!” Sagot naman namin.
“Okay, you may now go.” Umalis na kami. Hay nako, siguro kailangan pa talaga naming mag-adjust dahil naninibago pa ang karamihan sa’min. Oh well, sabi nga ni Coach mag-expect kami nang mas matindi at mahirap na training. Might as well enjoy my rest o vacation kahit two days lang. Pfft.
“Best, uuwi ka ba sa inyo?” Tanong sa’kin ni Mika. Nasa may gate na kami ngayon palabas.
“Yep. Ayokong maging forever alone sa dorm. Bakit, hindi ka ba uuwi?” Bigla namang nag-iwas ng tingin si Mika at kitang-kita ang pamumula ng kanyang mukha.
“Uy, may hindi ka sinasabi sa’kin. Tungkol ano ba ‘yan?”
“Kasi, ano eh…”
“Sabihin mo na…”
“Ah… uhmmm…”
“Teka, buntis ka?!” Hindi makapaniwalang tanong ko kay Mika. I stared at her wide-eyed pero binatukan lang niya ako.
“Hindi! Ano ba ang connect dun? Ikaw Ara ha, masyado kang nagja-jump into conclusions. Kung makapagbintang ka naman. Oo na! Hindi ako uuwi dahil niyaya ako ni Kiefer na magbakasyon! Pero hindi ko ‘yun sinabi sa mga magulang ko. Gusto nilang umuwi ako para sa Undas pero nagsinungaling ako. Sabi ko wala tayong break from training.” Mahabang paliwanag ni Mika.
“Eh kung dinerecho mo sana ako kanina. Tsk. Hindi pa ba alam ng parents mo na may boyfriend ka na? Bakit kailangan mo pang magsinungaling sa kanila?” Tanong ko kay Mika.
“No, unfortunately hindi pa nila alam.”
“Bakit? Pinagbabawalan ka nila hanggang ngayon?”
“Hindi naman. Kaya lang, Kiefer and I are in an opposite situation compared to you and Thomas.” Humina ang boses ni Mika.
“What do you mean?”
“Kung sobrang close ng parents mo sa parents ni Thomas, kabaliktaran naman dun ang parents namin ni Kiefer.”
“What? They hate it each other?”
“Worse than hate. More like world war.” Napailing na sagot sa’kin ni Mika.
“Pero bakit? Labas naman kayo ni Kiefer sa kanilang away ah..”
BINABASA MO ANG
Engaged To My Enemy (ODTT Book 2)
Storie d'amoreFrom enemies to being engaged? Ara's hate for Thomas eventually turned into love. Ngayong engaged na sila, wala nang makakahadlang pa sa kanilang pagmamahalan. They expected a smooth and happy journey from their engagement until their marriage. Pero...