Chapte 44 Dead body

8 0 0
                                        

Marize POV

Hindi ako naniniwala na patay na siya.Hindi pwede,hindi ito totoo,isa lang ito sa mga pakulo niya.Hindi pwedeng mamatay ang bida,di ba?Siya ang bida namin kaya bakit naman siya mamamatay?Yan yung gusto kong paniwalaan pero wala akong laban sa nakikita ko.Ang bangkay,ang sing sing.

Tinawagan ko din ang daddy niya.Nagulat ito at galit na galit.Hindi saakin pero dun sa taong may kagagawan nito.

Si A'shaira talaga yung namatay.Nakilala siya sa pamamagitan nung sing sing na suot niya na kinumpirma ng daddy niyang pagmamay- ari iyon ng yumao niyang asawa at ipinamana iyon kay A'shaira.

Nakapag usap naman sina Mr.Hill at Tea ng masinsinan.Nagulat kasi si Mr.Hill nung makita si Tea na kasama namin.Alam kong noon niya pa gustong itanong sa daddy niya kung bakit niya tinagong magkapatid sila ni A'shaira.Ang alam ni Tea patay na ang ate niya.Mas nakagulo pa yung laman nung folder na iniwan ni A'shaira.

Hindi maalis sa isip ko na patay na siya.Ililibing na.Ayaw magsink in sa utak ko,paikot ikot lang ang mga ito,parang isang roller coaster na kahit magpaikot ikot ito walang papasukan.Parang isang trumpo na kahit magpaikot ikot ito,hinding hindi titigil ng nakatayo.

Hindi ko man lang nasabi na magbestfriend kami.

Naiinis din ako sakanya.Ang daya niya.Hanggang sa huling hininga niya mag-isa siya.Mag-isang nagdusa.

Iniisip ko palang na naghihihiyaw siya habang nasusunog,nadudurog na ang puso ko.Bakit kamatayan niya palang mala impyerno na ang inabot niya?

Patuloy sa pag agos ang luha ko.Nakaalalay naman si Mark saakin.

Madami na siyang hirap na dinanas.

Damang dama ko din ang lyrics ng kantang napili nilang ipatugtog.

-------------

Third Person

Silang magkakaibigan lang at ang daddy ni A'shaira ang nakakaalam na patay na siya.Itinago nila ito sa lahat. Ang lumabas sa balita nasunog lang yung dormitoryo.

Ngayon ang libing niya.Pinili rin nilang isarado nalang ang kabaong.

Lahat may kakaibang pagpapakahulugan sa kantang naririnig nila ngayon.

*Fool Again*

Baby, I know the story

I've seen the picture

Naalala ni Prince nung pinagmamasdan niya yung mga larawan ni A'shaira mula sa hindi niya alam na connected date nila.

I'ts written all over your face

Kitang kita niyang napakasaya niya.Ang saya na namimiss niyang makita.

Tell me,what's the secret

Naalala ni Prince,Shelly at Tea ang sikretong itinago niya sakanila.Ang laman nung folder na iniabot niya nung gabing iyon.

That you've been hiding

Itinago niya ito para ayusin muna at piniling ibunyag ang katotohanan kung kailan kinailangan niyang magsakripisyo.

Sa kabilang dako.Naiisip naman ni Marize ang sikretong tinago niya sa matalik na kaibigan.Naiisip niyang sana nasabi niya na magbestfriend sila.

And who's gonna take my place

Naalala ni Prince yung sandaling nagselos siya kay Hance.

I should've seen it comin

I should've read the signs

Iniisip ng lahat na dapat napagtanto nila na ang mga simbolo ay may kakaibang pahiwatig nung gabing iyon.

Malditah + a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon