Chapter Thirty-Four

556 16 2
                                    


"It's at the borders of pain and suffering that the men are seperated from the boys"
-Emil Zatopek

Author's Note:

I came across that quotation above while deciding for this chapter. So it was my inspiration para baguhin ang takbo ng chapter na ito.

Also, I read a quote somewhere, and it says like, kapag daw ang isang tauhan sa isang kwento ay namatay, nagiging totoong tao siya. Parang ganoon. Kaya naman, pinatay ko na ang mga characters dito para tapos na. Haha. Joke lang. Baka ako ang dumugin ninyo.

Gusto kong umiyak habang ginagawa ang chapter na ito. Hindi ko ikakaila na ito ang pinakamahirap sa lahat. Gusto ko nga sukuan at isulat ang original na plot pero alam ko na hindi ako ganoon kagaling magsulat ng mga ganoong eksena.

I want this chapter to be different. Mahal ko ang bida ko. Hehe. I want them to be who they are hanggang matapos ang kwentong ito. I want them to live with their values and integrity. Haha. Pang Miss Universe lang.

Anyway, whatever I wrote here, hindi ko na babaguhin.

Maraming salamat sa mga readers. Nakarating kayo sa chapter na ito, nakakagalak. Umabot na tayo sa 6000. Let's celebrate. Kumain tayo sa kanya-kanysng bahay! Haha. Akala mo 1M reads e. Hindi bale, aabot tayo riyan. Mga year 2020.

Sana ay suportahan niyo pa ang mga susunod na story ko.

Dedicated to @janecontreras (Ate Jane). Maraming salamat po sa pagkakaibigan sa kabila ng distance natin. I hope to see you sa annniversary. =)

Godbless sa ating lahat!

-Fleurdelyz

************

JEMIMAH'S POV

"Oh, maaga pa. May gagawin ka ba sa school? takang tanong ni mama nang bumaba akong nakabihis pang-alis.

Napasulyap ako sa wall clock. Alas otso na ng umaga. Sabado ngayon at usually, nagkululong lang ako sa kwarto kung wala namang dapat gawin.

"Wala po," sagot ko habang paupo sa tapat ng dining table. Medyo inaantok pa ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos at masama ang pakiramdam ko simula pa kagabi, "Dadalawin ko lang 'yung kaibigan ko sa ospital".

Mula sa niluluto ay napatingin sa akin si mama, "Sinong kaibigan? Iyong pumunta dito?" worried na tanong niya.

Saglit akong nag-isip bago sumagot. Si Aira lang naman ang nakapunta sa mga kaibigan ko lately.

"Ah hindi po, classmate namin," maikli kong sagot, "I-iyong class president...".

Napatango siya at kunot noong hinaplos ang noo ko, "Medyo mainit ka. Masama ba ang pakiramdam mo. Namumulta ka rin?"

Mabilis akong napailing, "Hindi po, Ma. Okay lang po ako," mabilis kong sagot. "Sila Kuya Alex po?" pag-iiba ko ng usapan. Pakiramdam ko kasi ay mahihirapan akong makaalis kapag sinabi ko na masama ang pakiramdam ko.

Inilapag niya ang isang plato na pinaglagyan ng bagong lutong fried eggs at naupo sa katabi kong upuan, "Umuwi ka na lang ng maaga. Huwag kang magpapagod. Huwag mong kalimutan ang inhaler mo," bilin niya, "Kakaalis lang ng mga Kuya mo bago ka bumaba. Pupuntahan daw nila sila Adrian".

Natigilan ako sa pagsandok ng kanin at napatingin kay mama. Nakatingin rin sa akin at tila pinag-aaralan niya ang reaksyon ko sa huling sinabi niya.

Nakaramdam ako ng kaba. Wala akong naiisip na reason kung bakit kailangang puntahan nila kuya si Adrian nang ganito kaaga. Sana ay wala iyong kinalaman sa pinag-usapan naming dalawa ni Kuya Alex.

Men Behind Boys [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon