March 2013
JEMIMAH'S POV
Nakatitig lang ako sa washing machine habang umiikot. Naipon na naman ang labahan namin at ngayong Sunday lang ako nagkaroon ng chance para maglaba.
"Jem! ano bang ginagawa mo diyan? Anong oras na?", medyo may panic sa boses ni Mama. Nakabihis ito at kunot-noo habang nakatingin sa ginagawa ko.
"Naglalaba ako Ma, hindi ba obvious?", natatawa ako nang lalong kumunot ang noo niya. Nanlalaki ang mata na tiningnan pa ang mga labahang hinango ko mula sa washing machine.
"Huwag mo nga akong lokohin, ano pang ginagawa mo diyan? Alas diyes na, alas dos ang entrance exam mo, malayo pa ang Manila!"
Natigilan ako sa sinabi ni Mama. Mabilis akong pumasok sa bahay at sinilip ang kalendaryo. Entrance exam ko nga pala sa Philippine Science and Arts University (PSAU).
" Oh, ano pang ginagawa mo? Kumilos ka na", untag ni Mama bago pumasok sa kwarto.
Bakit ko ba kasi nakalimutan na entrace exam ko? Dali-dali akong naligo at nagbihis. Wala akong matinong damit kaya iyong blouse na bulaklakin ang sinuot ko at pantalong maong na medyo kumupas na dahil sa paulit-ulit na paglalaba. Wala na akong ibang pantalon na pwedeng suotin. Tumaba na naman ako. Marami naman akong ibang damit sa cabinet pero hindi ako magiging kumportable kapag iyon ang sinuot ko.
Hindi naman kami naghihirap pero hindi rin kami mayaman. Simple lang kung baga ang buhay namin. Parehong may trabaho sila Mama at Papa pero hindi kalakihan ang sweldo.
Itong entrance exam sa PSAU ang ticket ko para makapag-aral sa magandang eskwelahan na hindi gaanong gagastos sila Mama at Papa. Kailangan kong makapasa.
Pasado alas dose ng tanghali nang makarating kami sa PSAU. Mula Cainta hanggang Sta. Mesa ay kulang-kulang dalawang oras ang biyahe sakay ng bus. Kasama ko si Mama dahil hindi pa ako marunong magbiyahe. Hindi naman ako gala at sa halos sixteen years ng buhay ko ay sa Cainta lang ako umiikot.
Si Kuya Alex dapat ang kasama ko, nagkataon lang na may group study sila simula pa kagabi at hindi pa umuuwi. Third year na siya sa PSAU at kumukuha ng BS Architecture. Matalino si Kuya kaya mataas ang grade niya sa entrance exam at may quota raw ang grade sa College of Engineering and Architecture ng PSAU.
Nasa main gate pa lang kami ay madami ng tao. Sabi ni Kuya Alex, taun-taon ay mahigit 20,000 graduating highschool students ang kumukuha ng entrance exam dito. Unfortunately, top 10% lang ng mga passers ang tinatanggap ng university para maging Freshmen.
Kung kanina ay confident ako na makakapasa, medyo pinanghinaan ako ng loob ngayon. Sa dami ng mga aspiring Freshmen, makakasama ba ako sa top 10%?
"Pwedeng makita ang test permit, ma'am?" bungad sa akin ng guard bago makapasok sa main building. Pinakita ko naman ang test permit ko at medyo matagal na tinitigan ni Manong Guard. May picture ang test permit at mukhang ayaw niyang maniwala na ako ang nasa ID picture. Nakasalamin ako ngayon at nakatali ang buhok, unlike sa picture na nakalugay at walang salamin.
"Ako po yan Manong Guard," Ngumiti ako na katulad ng ngiti ko sa ID picture. Mukha namang kumbinsido siya at pinapasok na rin ako.
"Hanggang dito lang po ang parents and guardians, ma'am. Students lang ang pwede pumasok sa building", dagdag ng guard patungkol kay Mama.
Napatingin ako kay Mama at nakita kong ngumiti siya. " Sige na, Jem, galingan mo, " pang-encourage ni Mama. Ngumiti rin ako at kumaway sa kanya bago umakyat.
*******
MARK'S POV
"What are we exactly doing here?" I heard Justin ask in a bored tone. Napatingin ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
Men Behind Boys [Completed]
Teen FictionJemimah is a simple girl who wants a quiet college life until she learned that her brother is a member of one of the famous fraternities in the university, and met her friends. This is a story of love, betrayal, forgiveness, happiness, sacrifice, f...