Chapter Nineteen

564 19 8
                                    

AUTHOR'S NOTE: 

Isang POV lang po ito. Unedited pa at medyo masakit sa puso. Dedicated to @noona kasi birthday niya sa August 12. hehe

Salamat sa mga nagbabasa nito. Lalo na doon sa masipag mag-comment at magbigay ng mga suggestions. 

God bless! 

-Fleurdelyz

___________________

JEMIMAH’S POV

"You scared me..."

 Those were the last words from Adrian na hanggang ngayon ay paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. After the incident last Saturday, hindi na niya ako ulit kinausap o nilapitan.

 Nang makabalik kami sa bahay ay tulog pa rin ang mga tao at hindi na siya nagsalita ulit. Parang nagbago sa isang iglap ang situation, parang umikot ng 360 degrees counter clockwise.

 Well,  everything seemed to be normal after the incident. Walang nagsalita sa amin tungkol doon, na sa tingin ko ay mas pabor sa akin dahil ayokong makitang magalit si Kuya Alex.

 Aldrin was nowhere to find. Hinanap ng iba si Aldrin nang mapansin nilang hindi na nagpapakita at si Mark lang ang paulit-ilit ang sagot na, 'umuwi na'. Hindi ko alam kung may alam si Mark sa nangyari sa akin dahil madalas ko siyang makitang papalit-palit ng tingin sa amin ni Adrian.

Kung mayroon man na hindi normal sa nakikita ko, iyon ang hindi pagkausap sa akin ni Adrian. Ilang beses rin akong nagtangka na kausapin siya pero hindi siya umiimik. Sudden shift of character, parang ibang-iba siya sa Adrian na nakatulugan ko sa balikat, sa nagsabi na ‘lovely’ daw ako, sa nang-asar na malaki rin naman ang braso ko at sa nagligtas sa akin kay Aldrin.  

Sa mga group gatherings naman, hindi siya nagsasalita maliban na lang kung tinatanung. Ang nakakapagtaka ay hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin and it really made me confuse. Marami sana akong gustong sabihin at itanong sa kanya, unang-una na roon ng magpasalamat sa ginawa niyang pagtulong sa akin. Pero dahil 'wala' kaming chance magkausap, sinarili ko na lang.

Naisip ko na baka naman nag-a-assume lang ako. Baka naman ganito lang talaga siya dahil parang wala naman nakakapansin ng pagiging tahimik o aloof niya sa akin.

Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa kisame ng sariling kwarto. Malapit na mag-alasais ng umaga. Dalawang oras na akong gising at nakahiga lang.

Wednesday ngayon at hindi regular ang classes dahil opening ng Inter-college Sports Fest ng PSAU. Required  ang lahat ng first year na um-attend ng Opening na gaganapin sa gym mamayang 10:00am.

 Nagkaroon na ng pre-festive games para sa elimination round last Monday and Tuesday. Tatlo na ang panalo nila Kuya Alex at pasok na ang College of Engineering and Architecture sa semi-finals. After ng Opening Ceremonies ay ang laban nila Kuya Alex against the College of Nursing.

Sa loob ng dalawang araw ay hindi ko man lang nagawang kausapin si Adrian. Sinikap ko na mapanuod ang tatlong laban nila pero dahil regular classes pa nang Monday and Tuesday, halos wala na kaming mapwestuhan sa dami ng tao sa loob ng gym. Minsan pa nga ay fourth quarter na lang ang naabutan namin dahil late na kung mag-dismiss ng class ang ibang professors namin.

Hindi ko alam kung ganito ba talaga lagi o nagkakataon lang na marami ang mga nanunuod kapag sila Kuya Alex  ang may laban. 

Sa tatlong laban na 'yun, na-realize ko na sikat ang grupo nila Kuya sa university. Madalas kong margining na pinag-uusapan sila ng mga Seniors nang CommArts. At kapag nasa gym naman, halos mabasag ang eardrums ko sa sigawan ng mga babae. They kept on shouting my brother’s name, at syempre proud sister ako. Hindi ko lang alam kung saang parte ng katawan ko nanggagaling ang pagkairita kapag naririnig kong sinisigaw nila ang pangalan ni Adrian. 

Men Behind Boys [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon