After Three Months
JEMIMAH'S POV
Vacant period. Nakaupo kaming buong klase sa corridor habang hinihintay na matapos ang isang block section na gumagamit ng roompara sa last subject namin.
Oo nga pala, nakalimutan ko sabihin na nakapasa ako ng PSAU at kumuha ako ng Communication Arts, Major in Multimedia and Advance Journalism. Tuwang-tuwa naman sila Mama at Papa dahil malaking tipid para sa kanila ang makapag-aral kami ni Kuya Alex sa isang isang sikat na State University. Block section muna kami ngayon habang First Year.
Dalawang linggo pa lang simula nang magsimula ang klase. Ayos naman sana...SANA, maliban sa isang subject namin. Napatingin ako sa mga classmate ko, lahat sila ay may hawak na libro ng Social Science.
Ito na yata ang pinakamahirap na subject ko ngayong sem. I mean, hindi naman mahirap ang subject, interesting pa nga eh, pinapahirap lang talaga ng professor namin. Ang subject naman, kahit gaano ka interesting at kadali, basta sinamahan mo ng isang malabong professor, mahirap pa rin siya.hehe. Gets n'yo ba? Kaya ayon, ang resulta, mahirap na Social Science.
Simula pa lang ng first meeting ay malaki na ang lihim kong frustration sa Socio. Iyong prof namin, si Professor Simeon, every meeting ay nagpapaexam at ang malupit pa nito, definition of terms. Ayos lang rin sana, kayang-kaya naman, pero may pagkabibo rin itong si Professor Simeon, hindi mo alam kung nagjoke ba sya o ginagamitan ka lang nya ng logic na walang connect
Flashback
'"Since this is our first meeting, introduce yourselves as I call you, in your most unique way and tell me about your expectations on this subject, kung meron man" sabi ni Prof Simeon habang palakad-lakad sa harap ng klase.
*Sigh*, isang linggo na kaming nagpapakilala; kauumpisa lang ng klase at wala na kaming ginawa kundi ang magpakilala.
"Mag umpisa tayo sa dulo", sumandal s'ya sa lamesa na nakalaan para sa mga professor at hinimas-himas ang medyo mahabang bigote. May hawak siyang folder na pinaikot kanina, parang may seating arrangement doon at ilalagay mo ang pangalan at student number mo . Pinapadala rin kami ng ID picture para sa next meeting para idikit doon sa folder. Gets? Medyo mahirap i-explain eh.hehe
"Jimenez", tawag ni Prof sa babaeng nakaupo sa pinakadulong kaliwa. Tumayo naman agad ang tinawag na Jimenez at pumunta sa harap. Siya yung nagpakilala na graduate as valedictorian noong ni-require kaming magpakilala rin sa Malikhaing Pagsulat sa Wikang Filipino na subject. Pustahan, sasabihin na naman nya na valedictorian sya.
Tahimik lang kaming lahat habang hinihintay kung anong gagawin niya.
"I'm Anna Carmela Jimenez, you can call me Carmi, I graduated as class valedictorian" nakangiting sabi pa nito, chin up. Hehe. Sabi ko sa inyo proud na proud itong si Ate. Napabuntong-hininga na lang ako sa pagkainip pero may ginagawa siyang hindi inaasahan.
Nag-split siya at parang nag-interpretative dance habang wala sa tono na kumakata ng "Tell Him" ni Celine Dion. Pinigilan kong matawa. At least ay medyo nag-iba ang mood ng klase.
"Tell him that the moon and stars rise in his eye... reaching out to you...." . Muntik na akong matawa dahil mali ang lyrics n'ya. Pigil rin ang pagtawa ni Kat na siniko pa ako, pinanlakihan ko lang siya ng mata.
Pawisan si Carmi after ng kanyang presentation.
"Good job, okay, what are your expectations in the subject?" si Prof Simeon. Appreciative naman pala siya, hindi lang halata.
BINABASA MO ANG
Men Behind Boys [Completed]
Dla nastolatkówJemimah is a simple girl who wants a quiet college life until she learned that her brother is a member of one of the famous fraternities in the university, and met her friends. This is a story of love, betrayal, forgiveness, happiness, sacrifice, f...