AUTHOR'S NOTE:
Magandang buhay!
Ang chapter na ito ang sasagot sa maraming katanungan na nabuo sa mga nakaraang chapters.Para ito sa lahat ng mga ina, at mga magulang, specifically sa mga kabarkada ko: Marci, Zhandz at Analyn. Isama na din si Teng. :) Kay Marci lang naka-tag ah. Pasensya na.hehe.
Sana magustuhan ninyo. Like other chapters, I did my best here. Salamat sa mga nagbabasa!
-Fleurdelyz
***
In the end, character is a blend of inner courage, wisdom, and a sense of duty to yourself, to others, and to something greater than you.
In a common world, becoming an uncommon man begins by cultivating uncommon character.
-Chapter 1, Uncommon by Tony DungyALEX'S POV
"Vincent," tawag ko sa kanya habang nakatayo sa tapat ng hagdanan.
Agad naman siyang natigilan sa pagbukas ng pinto ng sariling kwarto at tumingin sa akin.
"Bakit?" walang ekspresyong tanong niya. Saglit akong napatingin kay Jemimah na papasok pa lang ng sariling kwarto bago ako lumapit sa kanya.
"Paano mo nakilala ang kapatid ni Charles? I mean, si Karl?" mahina kong tanong habang patingin-tingin sa paligid. Ayokong may makarinig ng pinag-uusapan namin.
Kanina ko pa gustong matanong pero pinigilan ko ang sarili ko dahil ayokong dagdagan ang curiosity ni Jemimah. My sister is smart enough to know that there is something going on.
Hindi siya sumagot at binuksan ang pinto ng sariling kwarto. Sumunod lang ako sa kanya at naupo sa maliit na upuan.
"Bakit kailangan mo malaman?" walang ganang balik-tanong niya at naghubad ng t-shirt.
"Bakit hindi ko pwede malaman?" sarkastikong tanong ko, "Alam mo,tama si Prof Atacia, minana lang namin ang mga away n'yo".
Napatingin siya sa akin, "Then bakit ka sumasali sa gulo kung wala ka naman palang alam?" tiim bagang na tanong niya at inihagis ang tshirt sa pwesto ko.
I chuckled, "More than anyone else, you should be the first person to understand the principle of Sigma".
Natigilan siya sa sinabi ko at naupo sa kama. I heard him sighed at wala sa sariling hinagod ang sariling batok.
"Madalas kaming magkasama ni Karl dati. Sa company nila unang nag-work si papa," pagsisimula niya. Napadiretso ako ng upo at tumingin sa kanya. Mas dumami ang tanong sa isip ko pero nagdesisyon ako na makinig.
"Graduating ako ng high school. Isang beses na pumunta ako opisina nila dahil may pinahatid si mama para kay papa. Nagkataon na may lunch party sila at ipinakilala ako ni papa sa mga nandoon,pati sa daddy ni Karl. Nalaman niyang sa PSAU ako mag-aaral ng college. He introduced me to Karl. Well, doon nagsimula ang pagsama-sama ko sa kanya, hanggang sa magsimula na ang klase".
Vincent paused and took his dog tag. It is the symbol of Sigma. Lahat ng mga nakakapasa sa initiation ay binibigyan nito. "He even asked me to join the TKP", saglit siyang napatingin sa akin, "Karl is a good person. Some thought that he was just an ordinary rich kid, pero hindi. Marami lang siyang dilemma sa buhay at dapat lang pakinggan".
Vincent played with his dog tag. Napaangat siya ng tingin sa litrato naming magkakapatid sa side table, "and the only person who can bring out the best and worst in him was Merryl".
Napasandal ako sa dingding nang marinig ang pamilyar na pangalan. I heard her names several times, but I still don't know what was with that girl.
"They were bestfriends, I mean Karl and Merryl. Pero alam kong higit pa sa kaibigan ang tingin ni Karl sa kanya." Vincent sighed, "Karl grew up alone. Lumaki kasi siya na hindi talaga magkasundo ang parents n'ya. Ang alam ko, napilitan lang na magpakasal dahil pinagkasundo. Marami siyang issues sa buhay at pakiramdam niya, si Merryl lang ang nakakaintindi at nakikinig sa kanya. He mentioned once that Merryl gave him directions kapag hindi n'ya na alam kung papaano i-handle ang situation sa bahay nila,"
BINABASA MO ANG
Men Behind Boys [Completed]
Teen FictionJemimah is a simple girl who wants a quiet college life until she learned that her brother is a member of one of the famous fraternities in the university, and met her friends. This is a story of love, betrayal, forgiveness, happiness, sacrifice, f...