Today's generation hasn't had the best teachers, because many of our dads either weren't around or somehow didn't show us how to truly love a woman. And TV and movies usually focus on erotic love, not emotional, spiritual love.
Loving the woman in your life follows the same principle of the old country-fair raffle rules: must be present to win.
-Chapter 6, Uncommon by Tony DungyJEMIMAH'S POV
"How was it?" nakangising bungad ni Kuya Vincent habang nakaupo sa sala.
Saglit akong nagpunas ng pawis at nagmamadaling pumunta ng kusina para kumuha ng tubig. Habang umiinom ay naglakad ako pabalik ng sala at sumulyap sa wall clock, 6:45am na.
"Ayos naman," hinihingal kong sagot sa tanong ni Kuya Vincent bago muling uminom ng tubig.
He smiled, "Tapusin mo muna iyang iniinom mo," naiiling niyang sabi at tumayo.
"Oh, nandyan ka na pala," bati ni mama habang pababa ng hagdanan kasunod ni papa at Kuya Alex, "Kakain na tayo. Hindi ko alam na nag-jogging ka," she smiled.
"Parang di ka naman pinagpawisan," seryoso pero halata ang pang-aasar sa boses ni Kuya Alex nang naupo na kami sa hapag kainan, "Baka kumain ka lang ng burger dyan sa kanto."
Pinandilatan ko siya ng mata,"Oy, pawis na pawis ako kanina. Nagkita pa nga kami ni Aling Flor," tukoy ko sa isa sa mga kasambahay ng mayaman na kapit-bahay namin.
"Oh, tama na iyan. Alex, ikaw na ang mag-lead ng prayer para sa pagkain," awat sa amin ni papa.
Mabilis naman siyang sumunod at nagsimula na kaming magdasal.
Sabado ngayon at lahat kami ay walang pasok. Kapag ganitong nasa bahay lang kaming lahat, required na sabay-sabay kaming kakain.
Dahil nasa ibang bansa si Kuya Vincent ay pambihirang chance ito na kumpleto kaming buong pamilya na sabay-sabay kakain.
"Bakit mo nga pala naisipan na mag-jogging?." tanong ni mama habang inaabot ang serving plate ng itlog kay Kuya Vincent, "hindi ka naman nagpaalam. Kay Kuya Alex ko na nalaman. Teka, magpunas ka ng pawis, baka hikain ka na naman" inabot niya sa akin ang isang towel.
Nilunok ko muna ang nginunguyang itlog bago inabot ang face towel, "Gusto ko lang po kasi na magbawas ng timbang," seryoso kong sagot habang nagpupunas ng pawis.
Napatikhim si papa, "Para saan?" tanong niya pero kay mama siya nakatingin.
"Para maging healthy?" alanganin kong sagot at nagkibit balikat at kumain na ulit, "Ang bigat ko na eh,".
"Baka daw kasi mabalian ng buto ang partner n'ya sa PE," singit ni Kuya Alex habang kumakain, "Kailangan kasi siyang buhatin sa dance class."
"Kuya!" inis na pigil ko sa kanya, "Kaya daw ako Philip. Nahatak n'ya nga ako patayo eh."
Napatingin lang siya sa akin at napa-tsk.
Ito ang unang araw na nag-decide akong mag-exercise. Antok na antok akong naupo sa kama habang nakatitig sa alarm clock bandang alas-singko pa lang nang umaga.
It's Saturday pero sadya akong nag-set ng alarm dahil gusto kong simulan ang pag-e-exercise. Siguro naman ay mababawasan ang timbang ko ng kahit ilang pounds lang bago kami mag-midterm sa P.E.
Day one pa lang pero inaatake na ako ng katamaran. Mukhang magiging mahirap itong goal na ito pero desidio talaga ako.
"O dahil may manliligaw na?," nakataas ang dalawang kilay na singit ni Kuya Vincent, "Conscious na s'ya. Napapaligiran ng magaganda at sexy si Adrian. " tamad na dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
Men Behind Boys [Completed]
Fiksi RemajaJemimah is a simple girl who wants a quiet college life until she learned that her brother is a member of one of the famous fraternities in the university, and met her friends. This is a story of love, betrayal, forgiveness, happiness, sacrifice, f...