Chapter Four

845 21 3
                                    

JEMIMAH'S POV

Hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari kagabi. Ang dami-daming nangyari mula sa school hanggang sa daan namin pauwi.

Hindi pa kami nakapag-usap ni Kuya Alex. Ang dami-dami ko pa namang tanong sa isip ko.

Una, bakit ako napasama sa guidance at napagkamalan ni Adrian na girlfriend ng isa sa mga 'sakto' guys. Sakto means hindi gwapo, hindi pangit pero may angas.

Pangalawa, paano nakarating sila Adrian sa area kung saan nabugbog nila Kuya at Charles 'yung mga snatchers.

Pangatlo, bakit kami sumakay sa sasakyan ni Adrian, eh nauna kaming ayain ni Charles?

Pang-apat, member ba ng Sigma si Kuya Alex?

Hindi pa kami nakakapag-usap ni Kuya Alex. Pagkauwi ay nagkulong na ito sa kwarto at nagdahilan na maraming gagawing assignment. Nagtext pa kagabi si Kat para makibalita pero nagreply na lang ako na ikukwento ko ng buo ngayon.

Maaga pa ay nasa labas na ako ng gym. P.E ang unang subject namin ngayong umaga. Then dalawang major subjects after.

"Jem!", tumatakbo pa si Kat habang kumakaway sa akin. Kumaway rin ako.

Naupo ito sa tabi ko at pawis na pawis.

"Oh, bakit ka ba tumatakbo, hindi pa naman time ah?", sita ko sa kanya.

"Excited kasi akong ipabasa yung horoscope ko sa'yo," nakangiti pa s'ya habang binuklat buklat 'yung laging hawak na magazine.

"Ah...teka, nasaan si Aira?", tanong ko sa kanya. Madalas kasi ay sabay silang pumapasok.

"Iniwan ko na, ang tagal kasi eh," sagot nito, "oh eto, Virgo ako, ang sabi dito, ngayong araw ako mapapansin ng crush ko!" excited n'yang pinakita sa akin 'yung isang page na sa sobrang lapit ay di ko na mabasa.

"Teka, e maraming Virgo diba? baka naman hindi sa'yo yan? paano kapag may mga asawa na 'yung iba, o may boyfriend or girlfriend na? hindi 'yan applicable"

"Syempre, hindi naman talaga applicable ito sa lahat, sa mga pwede lang, bukas pwedeng applicable naman s'ya sa may mga asawa o pamilya na"

"Sa dami ng tao sa mundo, at sa dami ng Virgo, i'm sure, kapag sinabi ko na bukas, may ikakasal na Virgo, kahit isang Virgo, may ikakasal talaga", paliwanag ko.

"May basehan ito, hindi lang s'ya basta-basta nahulaan", depensa niya.

"Ano 'yan?", si Aira. Hindi namin napansin na may mga classmates na rin kami sa paligid.

"Horoscope", nakangiting sagot ni Kat at ikinangiwi naman ni Aira.

"Oh,anong nangyari sa inyo kagabi?", umupo si Aira sa kabilang side ko.

Wala na akong nagawa kundi ang magkwento ng mga nangyari. Matama namang nakikinig ang dalawa.

"Grabe, akala ko sa Korean series lang 'yun", sabi Kat after ko magkwento.

"oo nga e, saka nagulat ako kay Kuya, hindi ko alam na marunong siya makipag-away"

"anong itsura nya makipag-away? hot ba?", parang kinikilig pa na tanong ni Kat. Sabay kami ni Aira na napatingin at pinandilatan s'ya.

"oh, CA 1-A, tara na sa loob, meet me on the 3rd bleacher, left side, malapit sa mga varsity",instruction ni Ms. Saiko, P.E. Instructor namin.

Nagkukwentuhan kami habang papasok ng gym at naupo sa bleacher na sinabi ni Ms. Saiko. Kasalukuyan pang nagpa-practice ang mga players ng basketball.

"Kuya mo oh!", bulong sa akin ni Kat sabay turo sa mga naglalaro sa gym. Malaki ang gym namin at hindi ko gaano marecognize ang mga players kahit nakasalamin ako.

Men Behind Boys [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon