JEMIMAH'S POV
Sabado.
"Gisingin mo na ang Kuya mo. Magpapahatid ang Papa mo sa labasan", utos ni Mama habang inaayos ang mga gamit ni Papa sa bag.
"May pasok si Papa?", tanong ko saka tumayo.
Late na nang dumating sila Mama at Papa kagabi galing Pangasinan. Akala ko nga ay mamayang gabi pa ang uwi nila.
"Tinawagan siya ng Ninong mo kahapon ng maagang-maaga. Kailangan daw siya sa site dahil may meeting sila kasama ng may-ari", paliwanag ni Mama saka sinara ang bag na gagamitin ni Papa.
Nagtatrabaho si Papa sa isang construction firm na pag-aari ng Ninong ko bilang Safety Officer. Siya 'yung nag-oversee ng safety ng mga workers sa construction site at pagsunod sa mga regulatory and statutory requirements pagdating sa safety precautions ng bawat project. Parang ganoon yata.hehe
Tumango-tango ako saka umakyat sa second floor. Dumiretso ako sa kwarto ni Kuya saka kumatok.
"Kuya, magpapahatid si Papa sa labasan", sabi ko habang kumakatok. Saglit akong tumigil para pakinggan kung sumagot si Kuya. Narinig kong may gumalaw sa loob ng kwarto.
Sumandal ako sa dingding na katapat ng pinto ng kwarto niya. Mayamaya ay bumukas ang pinto at lumabas na si Kuya na gulo-gulo pa ang buhok. Saglit siyang napatingin sa akin bago bumaba. Sumunod ako at naupo sa tapat ng dining table. Siya naman ay dumiretso sa restroom.
Nagsimula na akong kumain ng almusal nang may narinig kaming tumatawag sa labas ng gate.
"Kuya Alex! Kuya Alex!", boses ng bata ang tumatawag sa gate.
Nagtatakang sumilip si Mama sa labas ng binatana.
"oh, si RJ", sabi niya saka lumabas. Sumunod naman sa kanya si Papa.
Nagkatinginan kami ni Kuya na kalalabas lang ng restroom.
"Sino 'yun?", tanong niya saka kinuha ang susi ng motor na nakasabit sa display cabinet.
"Si RJ daw, ikaw ang hinahanap", sagot ko bago kumagat ng tinapay. Nagtatakang napatingin sa akin si Kuya.
"Alex, anak!", tawag ni Mama na parang nagmamadali.
Napatingin ulit sa akin si Kuya bago kunot ang noo na lumabas ng bahay. Curious na napasunod na rin ako at iniwan ang pagkain.
Naabutan ko silang nakatayo sa tapat ng gate namin at nakatingin sa bandang kaliwa ng kalsada.
"Ano 'yun RJ?",tanong ko sa batang tumatawag kanina habang tinitingnan ang tinitingnan nila.
"May magandang babae ang naghahanap kay Kuya Alex", nakangising sagot ni RJ at may tinuro.
Sinundan ko naman ng tingin ang tinuturo niya at literal na napanganga sa nakita.
Isang makintab at puting puti na 2009 WV Beattle ang naka-parked malapit sa tapat ng gate namin. Nagtatakang napatingin ako kay Kuya Alex na ngayon ay mukhang irritable na.
Mayamaya ay bumukas ang driver's seat, lumabas ang isang babae at ngumiti. Tinanggal pa niya ang suot na shades saka kumaway.
Hindi ako makapagreact. Nakasuot ito ng simpleng dress na green at doll shoes pero sobrang ganda nito at papasang model sa magazine. Straight na straight at makintab ang buhok. Dinaig pa ang mga model ng shampoo at parang nagpasalon lang kanina. Mga five minutes ago.hehe
Lumapit ito sa amin habang nakangiti.
"Good morning, Tito, Tita", bati niya kay Mama at Papa na parehong nakatunganga. Nakipag-beso beso pa ito. Napatingin siya sa akin at lalong napangiti. Ang ganda ng ngipin nya!hehe.
BINABASA MO ANG
Men Behind Boys [Completed]
Teen FictionJemimah is a simple girl who wants a quiet college life until she learned that her brother is a member of one of the famous fraternities in the university, and met her friends. This is a story of love, betrayal, forgiveness, happiness, sacrifice, f...