Author's Note:Salamat po sa mga naghihintay ng update na ito. Kanina, habang ginagawa ko itong chapter na ito, nakabuo ako ng isang prinsipyo sa pagsusulat. I can say sorry for the wrong grammar and typographyical error, but I will not allow myself to say sorry for the lame update.
I believe that each part of the story is important. It is from you-- you created it, you make it beautiful to let the characters live and touch your readers. Each chapter is an important part of your story, so therefore, I will not say sorry for a lame update because I will not write lame update. I don’t want to disappoint all those readers who reached this far, reading this story.
I hope na ma-enjoy ninyo ang bawat chapters ng story na ito dahil para ito sa inyong lahat. Nasa chapter 22 na tayo, siguro mga eight more chapters na lang, or mga ten.
Maraming salamat po sa mga kaibigan natin sa Eirycat na nag-add ng story na ito at nag-follow. Hindi ko na kayo iisa-isahin, maraming maraming salamat po sa suporta. This chapter is dedicated to Ms. Dina
-Fleurdelyz
JEMIMAH'S POV
"What? Ulitin mo nga 'yung sinabi mo!" malakas na tanong ni Aira habang naka-kunot ang noo. "What the hell is that?"
Napatingin pa ako sa paligid para tingnan kung may nakarinig sa sinabi ni Aira. Kasalukuyan kaming nasa loob ng classroom habang ang iba naming mga classmates ay maingay na nag-uusap. Napatingin ako sa corridor at nakita ang mga classmate naming na mga lalaki ay nakatambay lang roon habang nag-uusap.
Malakas ang ulan at hindi pa dumarating ang professor namin para last subject ngayong umaga.
Bago pa lang magsimula ang first period ng klase ay kinukulit na ako ng dalawa tungkol sa nangyari last Friday. Kinuwento ko naman ang lahat ng mga nangyari, pati 'yung mga sinabi sa akin ni Adrian.
Napakamot ako ng kilay bago dumiretso ng upo, "'Yun nga. Sabi niya huwag daw akong lalapit o sasama sa ibang lalaki. Ayaw n'ya----" hindi pa ako tapos magsalita nang sumingit si Aira.
"Ayaw n'ya? Anong klaseng ayaw n'ya? Bakit? Girlfriend ka ba niya? Boyfriend mo na ba s'ya?" putol ni Aira sa explanation ko. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.
"Hindi naman. Saka hindi pa ako pwedeng magkaroo boyfriend---"
"E hindi naman pala eh! Bakit may mga ganoong conditions?" iritableng singit ulit ni Aira sa sasabihin ko, "At pumayag ka ba?
Natigilan ako sa tanong niya. I sighed, "Hindi ako nakaimik kasi hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin eh" mahinang sagot ko. Ngayon ko lang na realize na hindi naman naging final ang usapan namin ni Adrian.
Natampal ni Aira sa sariling noo habang nakatingin sa akin, "Alam ko na ang tawag diyan," umiiling-iling na sabihin niya, "M.U kayo, as in Malabong Usapan, Maling Ugnayan, M..U. Nakikiuso kayo ah?"
Gusto kong matawa sa sinabi niya pero alam ko na may point siya. Wala talaga kaming naging final na usapan ni Adrian. Wala akong matandaan na pumayag ako sa gusto niya, pero wala rin akong matandaan na tumutol ako.
Pakiramdam ko ay masyado akong na-overwhelm sa mga nangyari last Friday kung kaya’t hindi ko naisip ang mga possible consequences after that. Ewan ko ba, noong magkasama kami, pakiramdam ko tama at maayos ang lahat. I let myself lived for that moment, without thinking what will happen next. Ngayon ko lang na-realize na malabo pala talaga ang usapan namin. Thanks to Aira for screaming that idea in front of my face.
"May point si Aira, Jem," mahinang singit ni Kat. Ngayon ko lang siya narinig na nag-agree sa bestfriend niya, "Una, sabi mo, hindi pa niya alam ang nararamdaman n'ya sayo. Puro symptoms lang, walang diagnosis? Buti hindi siya nag-doctor." paliwanag niya habang nakakunot ang noo.
BINABASA MO ANG
Men Behind Boys [Completed]
Teen FictionJemimah is a simple girl who wants a quiet college life until she learned that her brother is a member of one of the famous fraternities in the university, and met her friends. This is a story of love, betrayal, forgiveness, happiness, sacrifice, f...