JEM'S POV
Napadilat ako at napahawak sa armrest ng upuan nang maramdaman ang madiin na pag-preno ng driver ng coaster. Ilang Segundo ako na nakiramdam bago tumingin sa paligid. Napatingin ako kay Yumi na hinihimas ang noo na mukhang nauntog sa bintana.
Nakaupo kami ni Yumi sa pangatlong row ng coaster. Siya ang nasa tabi ng bintana at ako naman ang nasa tabi aisle. Kahanay namin sa upuan si Aira na mag-isa lang sa upuan at bigla rin nagising. Saglit kami’ng nagkatinginan bago siya sumulyap sa bandang unahan ng coaster.
Napatingin ako sa harap at nakita'ng nakatayo si Adrian at Mark habang nakatingin sa labas.
"Adrian, what happened?", tanong ni Yumi na nakaupo pa rin. Saglit na lumingon si Mark sa amin pero wala naman s'yang sinabi.
"Brod?", narining ko'ng sabi ni Kuya Alex habang palapit sa unahan at tiningnan ang kung ano man na tinitingnan nila Mark sa labas.
Nakatalikod silang tatlo sa amin at nakadungaw sa labas. Maya-maya ay umayos sila ng tayo at nagtinginan.
"Bababa ako para malaman kung ano ang kailangan nila", mahina'ng sabi ni Adrian pero nakaabot pa rin sa pagdinig ko.
"Sasama ako", sabi ni Mark at tumingin kay Kuya Alex, "huwag ka’ng magpapababa, sesenyasan kita", halos pabulong na sabi ni Mark bago sumunod kay Adrian.
"Ano 'yun?", narinig ko na tanong ni Pyro habang naglakad na rin papunta sa harap. Sumunod sa kanya ang iba pang mga members ng Sigma na nakaupo sa bandang likuran.
Curious na napatayo ako at tumingin sa harap. Hindi ko makita kung ano ang tinitingnan nila dahil puro likod lang ang nakikita ko!
"Oh! mga taga Beta yan ah? anong kailangan nila?", narinig ko na sabi ni Migs bago tumingin kay Kuya Alex.
"Inaalam pa ni Adrian, maghintay na lang tayo", sagot ni Kuya Alex saka tumingin sa unahan.
"Hindi ba tayo bababa?", tanong ni Ian na nakaupo pa rin sa pang-apat na row. Napatingin naman sa kanya si Kuya Alex.
"Hindi, nakikipag-usap pa si Adrian", singit ni Mike na nakatayo na rin at nakatingin sa labas. Sumulyap siya sa akin at ngumiti, “are you okay?”, tanong niya. Alanganin ako’ng tumango. Very unusual sa kanya na kausapin ako dahil hindi naman siya pala-imik.
Hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila at hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari. Pero hindi ko ma-explain kung saan galing ang kaba na nararamdaman ko. Kung titingnan ang mga mukha nila Kuya Alex, kahit kalmado ay obvious na hindi sila masaya at lalong hindi sila kampante sa mga nangyayari.
Lahat sila ay nakatayo sa gitna at nakadungaw sa labas ng windshield na parang may hinihintay.
Naramdaman ko ang pagtayo ni Yumi, "I can't just wait here while my brother and counsin are both standing outside with those guys", sabat ni Yumi saka tinabig ang mga lalaki na nakatayo sa aisle para makadaan.
Mabilis naman siyang hinarangan ni Kuya Alex at hinawakan s'ya sa siko.
"Hindi ka pwede'ng bumaba, Yumi", pigil ni Kuya Alex kay Yumi.
"And why not?", tanung ni Yumi at sinalubong ang tingin ni Kuya Alex.
"Delikado sila, Yumi", sabi ni Alyana na may bakas ang takot sa boses. Napatingin ako sa kanya.
“I will call my Dad”, sabi ni Kaye habang kinukuha ang cellphone sa bag, “we will request for police assistance”.
“No!”, Justin said at agad na kinuha ang cellphone ni Kaye, “we can handle this okay?”.
BINABASA MO ANG
Men Behind Boys [Completed]
TienerfictieJemimah is a simple girl who wants a quiet college life until she learned that her brother is a member of one of the famous fraternities in the university, and met her friends. This is a story of love, betrayal, forgiveness, happiness, sacrifice, f...