"Conflict is one of the most misunderstood parts of our existence. It is often unpleasant; many people try to avoid it. Others seem to thrive on the stress of it. I think some even use it to overpower othes. Maybe that's why they look for opportunities to bully people.
However, conflict is best seen as an opportunity to understand our differences, since that's when conflict usually arises: when we see something differently"
-Chapter 8, Uncommon by Tony DungyAuthor's Note:
Hi guys! Hindi na ako mag-explain sa late update. Medyo torture sa akin ang previous weeks.
Nagpapasalamat ako sa mga nag-add ng story na ito sa reading list nila. Salamat sa mga nag-vote at nag-comment. Salamat sa mga naghintay. Hindi n'yo lang kung paano ninyo ako napapasya. :)
Thank you, Eirycats and Khronicles.
-Fleurdelyz
JEMIMAH'S POV
"Oh, wala pang text si Philip?" tanong ni Aira. Napatingin ako sa kanya at umiling.
Tapos na ang last class namin for today at kasalukuyan kaming nakatambay sa tapat ng student center upang hintayin si Philip.
"Bakit kaya hindi siya pumasok?" mahinang tanong ni Kat na parang sarili lang ang kausap.
"Hindi ko rin alam," napasulyap ako sa hawak na cellphone at nagbabakasakaling may message si Philip, "Maayos naman ang usapan namin kahapon. Nag-text pa nga siya kagabi para i-remind ako about sa practice," binuksan ko ang last message ni Philip bandang alas otso ng gabi.
Hindi si Philip ang tipo ng estudyante na panay ang absent. He usually inform the vice president if he would not be around in class.
"Naku," napatayo si Aira habang hawak ang cellphone, "I need to leave. I'm sorry, Jem. Nasa parking area na sila daddy,"
I smiled, "Ayos lang," sagot ko bago napatingin kay Kat, "Ikaw? Di ka pa uuwi?" tanong ko.
Umiling siya,"Hindi pa. May practice rin kami ni Byron,"
"Ah okay. Dito rin?" turo ko sa building ng Student Center. Ang building na ito ay may mga open rooms kung saan pwede mag-practice ang mga students. By schedule dito at kailangan na magpalista para ma-reserve ang room.
"Hindi. Sa dance studio ni Tita." sagot niya habang inilalabas ang bagong book niya. 'Dream About Yesterday'. Lihim akong napailing sa pagkahilig niya sa paranormal at astrology.
"Ah okay." Napatingin ako sa direksyon ng building main library at nakita si Byron kasama ang barkada niya na papalapit sa direksyon namin.
She sighed at ibinalik ang hawak na aklat sa loob ng bag, "Pinapagalitan nga ako ng dance teacher ko. Halos wala na kasi akong practice."
Napatango ako. Naalala ko na minsan na naming napag-usapan na naging part sila ni Aira ng dance troupe at cheering squad noong highschool.
Sa kawalan ko nang masasabi ay napatingin ako sa direksyon nila Byron. Mukhang nag-aasaran silang magkakaibigan habang palapit sa amin. "Gwapo si Byron," wala sa loob na komento ko.
Gulat na napaharap sa akin si Kat at nagtaas ng kilay, "Pardon?" saglit pa siyang tumingin sa lalaking tinutukoy ko bago muling tumingin sa akin.
Napakunot-noo ako sa reaction niya,"Gwapo si Byron?"patanong na ulit ko. Nagtataka ako sa naging reaction niya.
She grinned, "Wow! Jemimah Alexandria Punzalan is appreciating handsome boys," natatawa niyang komento, "Ngayon lang kita narinig na nagsalita ng ganyan."
BINABASA MO ANG
Men Behind Boys [Completed]
Novela JuvenilJemimah is a simple girl who wants a quiet college life until she learned that her brother is a member of one of the famous fraternities in the university, and met her friends. This is a story of love, betrayal, forgiveness, happiness, sacrifice, f...