AUTHOR'S NOTE:
JEMIMAH'S POV
Kanina ko pa pinipigilan ng sarili ko na maghikab. Napatingin ako sa cellphone at napatingin sa digital clock na part ng live wallpaper ko. 'Alas nueve na?'.Ibig sabihin, three hours na akong nakaupo rito?
Kasama ko sa table ang mga kaibigan ni Kuya Alex at halos makabisado ko na rin ang mga pangalan nila dahil isa-isa silang pinakilala ni Mark kanina. Inuulit-ulit ko pa ang mga pangalan nila sa isip ko habang imaginary na tinuturo sila isa-isa.
Magulo ang mga kaibigan ni Kuya at hindi sila nauubusan ng topic na pag-uusapan.Tahimik lang ako na nakikinig habang patingin-tingin sa paligid.
Kanina ay inoobserbahan ko ang ibang mga guests kung kakainin rin ba nila 'yung mga imported na chocolates na sadyang kinalat sa mga table, pero parang hindi naman nila napapansin. Nahihiya na tuloy akong kumuha sa table namin dahil baka hindi naman pala talaga pwedeng kainin.
Ilang minuto na rin simula ng umalis si Sander pero hindi pa rin siya bumabalik. Si Adrian naman ay hindi talaga bumalik simula ng umalis bago pa mag-umpisa ang party. 'Nasaan na kaya s'ya?'. Teka, bakit ko nga ba hinihanap? Napailing-iling ako para burahin siya sa isip ko. Natigilan ako dahil nagtatakang napatingin sa akin sila Mark habang nagpipigil ng tawa.
"Are you okay?, parang natatawang tanong ni Mike. Napapahiyang tumango ako bago kumuha ng chocolate at kumain.
Napatingin ako sa dance floor at napangiti nang makitang sumasayaw ang mga senior citizens. Magaling ang livebands na tumutugtog dahil nabibigyan nila ng bagong timpla ang mga classic love songs and rock music.
Hindi ko na talaga kayang pigilan ang paghikab ko kaya tumayo na rin ako. Natigilan sila sa pag-uusap at napatingin sa akin.
"Ah, sa Restroom lang", sabi ko sabay turo sa part ng restroom.
Si Mark lang ang ngumiti sa akin at tumango. As usual, 'yung iba na Major in Dedma-tologist ay bumalik na sa kwentuhan.
Ang totoo ay wala naman talaga akong business sa restroom. Gusto ko lang umalis sa table at maglakad-lakad dahil sobrang antok na rin ako.
Bago ako lumiko papasok na maiksing hallway papuntang restroom ay napadaan ako sa tapat ng sensor door. Bigla itong bumukas at may lumabas na sweet couple.
Hindi kaagad nagsara ang glassdoor dahil na-sense pa nito ang presensya ko. Sinilip ko ang loob at may nakita ako'ng swimming pool.
Umatras ako ng kaunti at muling nag-close ang glassdoor. Napatingin ako sa kaliwa at may nakita'ng naka-three piece suit na Guard na nakabantay at nakatingin sa akin..
"Pwedeng pumasok?", nakangiti ko na tanong sa Guard.
"Yes Ma'am", nakangiti niyang sagot at lumapit sa sensor door. Automatic na nag-open ang glassdoor at nangingiti akong tumapak palabas ng Grand Hall at papasok sa parang minipark.
Napayakap ako sa sarili dahil makaramdam ako ng malamig ang hangin. I looked at the evening sky and it welcomed me with too many stars. 'Ang ganda ng langit. Teka, nasaan pala ang moon?'
Napatingin ako sa paligid at na-amaze ako dahil sa ganda ng landscape ng lugar.
May malaking swimming pool na hindi ko ma-explain ang hugis at may mga ilaw na iba't-iba ang kulay galing sa pinaka-floor ng swimming pool.
Sa palibot naman ng swimming pool ay may mga flowering plants at mga na-trim na halaman. Mayroon rin na maliliit na puno na may mga nakasabit na maliliit na ball lights. Malaki ang area at parang park ang itsura ng lugar dahil may mga bakal na upuan na naiilawan ng mababang streetlights.
BINABASA MO ANG
Men Behind Boys [Completed]
Teen FictionJemimah is a simple girl who wants a quiet college life until she learned that her brother is a member of one of the famous fraternities in the university, and met her friends. This is a story of love, betrayal, forgiveness, happiness, sacrifice, f...