Chapter Thirty Five (Final Chapter)

930 26 23
                                    



JEMIMAH'S POV

After One Year

"Okay, good scene!" sigaw ni Ms. Flores, "Okay. That's it for today. You all worked hard" aniya habang pumapalakpak.

Masayang nagligpit ang ng kani-kaniyang gamit ang ibang mga members ng Teatro Tanglaw. Halos apat oras na rin kaming magpa-practice para sa play na ipe-present namin for the university's centennial celebration.

"Galing," bati ni Philip nang makasalubong ko siya palabas ng auditorium. "Congrats. I know that you can get the leading role." papuri niya.

I smiled, "Thank you. Ikaw kasi, hindi ka nag-audition. Sayang naman,"

Nagkabit-balikat siya, "Give chance to others," maangas niyang sabi sabay kindat.

Napatigil kami sa paglalakad nang tumunog ang cellphone niya.

"What the he---" natigilan siya at naihilamos ang palad sa sariling mukha, "I need to go. Ngayon pala ang debate ni Thea" natataranta niyang sabi.

"Ha? Teka. Aabot ka ba sa Quezon City? Anong oras ba iyon?" tanong ko. Alas tres na ng hapon at medyo malayo ang PSAU sa St. Catherine Univeristy.

"Four o'clock. I still have one hour," he said while looking at his wristwatch, "I have to go. Kailangan kong bumawi. Magtatampo na naman iyon," he gave quick kissed on my left cheeks and leave.

I smiled habang tinatanaw siyang papunta sa parking area. Wala sa loob na nahawakan ko ang sariling pisngi.

Philip and I became good friends. Walang kahit konting romantic feeling na namagitan sa amin. In fact, he already have a girlfriend. That's Thea, isa sa mga kaibigan ni Kaye at nag-aaral sa St. Catherine University.

After the incident last year, mas lalo kaming naging close. The guys used to kiss me on cheeks kapag nagkikita-kita kami or kapag nagpapaalam.

Medyo matagal rin bago nawala ang awkward atmosphere between TKP at Sigma. Everyone did their part. Now, unti-unti na ring nagiging payapa ang mga activities na magkakasama kami.

**********

"Oh...saan na naman galing iyan?" usisa ni Aira habang nakatingin sa calla lily na nakalapag sa harap ko.

Nasa canteen kami ngayon at sabay-sabay na kumakain ng lunch. Isang first year ang lumapit sa amin at nag-abot ng isang calla lily.

This was the 8th call lily that I received at hindi ko pa rin alam kung kanino nanggagaling ang mga iyon.

"Buksan mo 'yung note," excited na sabi ni Kat, "I want to hear something sweet and romantic today."

"Tsk. Patay tayo kay Adrian niyan," naka-ismid na singit ni Mark habang nakatingin sa bulaklak.

"Anong patay tayo kay Adrian? Ako ang papatay sa kanya!" inis na sabi ni Aira. Madalas mag-init ang ulo high niya kapag si Adrian ang topic, "Sana naman kasi ay magpakilala na iyang admirer mo para mapalitan mo na si Adrian sa sistema mo,"

"Your too hard on Adrian," nakangising puna ni Andre sa sinabi ni Aira, "Let's put our trust on him".

Napaismid si Aira, "Ewan. Huwag mo ngang pinagtatanggol iyang kaibigan mo. May mga sinasabi pa siyang reasons na aayusin niya ang sarili niya. Bakit? Hindi ba pwedeng ayusin dito sa Pilipinas? Pollution ba ang nakakaapekto ng pagkatao niya?" dagdag pa ni Aira na ikinatawa namin.

"Pwede. Baka naalikabukan ang utak," natatawang singit ni Sander.

I smiled when I recalled the last time na nagkausap kami ni Adrian. That was a year ago. Before he left for France ay nagkausap pa kami. He decided to leave dahil marami daw siyang aayusin sa sarili niya. He promised to come back but he didn't tell me when.

Men Behind Boys [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon