●1●
May isang bata na ang pangalan ay Norraine.
Nakatira siya sa Barangay Masigasig.
Ang kanilang lugar ay medyo nalalayo sa kabihasnan, ito ay mas malapit sa kagubatan kesa sa Bayan ng Ipil na siyang karatig na lugar.
Anak ng isang mahirap na magsasaka si Norraine, nakikisaka lamang at tumatanggap ng bigas ang kaniyang ama bilang kabayaran sa kaniyang pagsasaka tuwing anihan..
Sapagka't minsan lamang sa isang taon nababayaran ang kaniyang ama, pinipilit nilang pagkasyahin ang bigas na natatanggap sa loob ng isang taon.
Upang makatulong ang kaniyang ina na si Teresita ay naglalako ito ng gulay sa kanilang mga ka-Baranggay..Isang araw, nautusan siya ng kaniyang ina upang mangahoy sa kagubatan.
Nagsasaka ang kaniyang ama ng mga panahong iyon habang ang kaniyang ina ay patungo sa kabayanan upang bumili ng ilan nilang kailangan sa bahay..
Dali-daling pumanaog ng hagdanan si Norraine.
Kailangan, bago magtanghali, nakasaing na siya at nakaluto ng pananghalian, pihadong gutum na gutom ang kaniya'ng mga magulang pag-uwi.
Hindi nagtagal, nakarating siya sa kagubatan..
Hindi niya maipaliwanag ngunit nangalisag ang kaniyang mga balahibo!
Dagli syang namulot ng mga kahoy na tuyo na gagawing panggatong.
Kinakabahan siya sa bawat paghakbang..
Paano nga ba'ng hindi siya kakabahan..
Ramdam niya ang tila mga mata'ng nakamasid..
Tila may mga sumusunod at nakabantay sa kaniyang bawat galaw..
Nang makapangulekta ng mga kahoy na panggatong na sasapat sa araw na iyon, ay dali-dali na siyang umuwi.
Habang binabagtas niya ang daan pabalik ay hindi pa din maiwasan ang pangangalisag ng kaniyang mga balahibo..
Tila may mga mata na patuloy pa din na sumusunod sa kaniya'ng bawat galaw at bawat hakbang niya'y tila binibilang...
●2●
Nakarating ng matiwasay sa kanilang tahanan si Norraine, dagli niyang iwinaksi ang takot na kani-kanina lamang ay namayani sa kaniya'ng isipan.Mag-tatakip-silim na,
marahil ilang oras na lamang at darating na ang kaniya'ng mga magulang.Dali-dali siyang nag-pa-ningas ng apoy at nagsalang ng sinaing.
Pagkatapos niyon ay kaniya nang sinimulan ang pag-ga-gayat ng mga talong na ka-ka-pitas niya pa lamang mula sa kanilang mga pananim sa bakuran.
Kulang kalahating- oras matapos na makapag-luto ang dalagita ng dumating ang kaniyang mga magulang.
Nag-hayin siya sa hapag-kainan ng kanila'ng hapunan.
Sila ay nanalangin at sabay-sabay na kumain, masaya nila'ng pinagsaluhan ang biyayang nakamtan mula sa Itaas.
Ilang oras matapos ang masayang kuwentuhan ay nag-pasya silang matulog.
Subalit hindi 'tulad ng mga magulang, hindi makatulog si Norraine, biling-baligtad siya sa higaan.
Iniisip niya na sana ay maiba naman ang kanilang buhay..
Na magkameron ng pagbabago.. At sa lalong madaling panahon..!
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTO NI M.E.C.A
Short Story#25: Short Story Category December 21, 2016 Naglalaman ng mga maiigsing kuwento para sa kabataang pilipino. Nasusulat po saTagalog Ang mga istoryang inyong mababasa sa loob (Tagalog Dialect).