DAYO

1.4K 25 5
                                    


●1●

Isang dayo lamang si Armand sa "Baryo Masigasig". Sa pagtapak pa lamang ng kaniyang mga paa sa lugar na iyon ay naramdaman na niya kaagad na iyon na ang simula ng panibagong yugto ng kaniyang buhay.

Sa isang liblib na parte ng baryo, doon siya ay nagtungo.

May nagustuhan Siya kaagad na lupa at nagtanung-tanong siya sa mga tagaruon kung mayroong nagmamay-ari niyon. Balak niyang pagtayuan ito ng bahay. Nalaman naman niya kung sino ang dapat na kausapin.

Sa gitna daw ng baryo ay nakatira ang may-ari nito.

Isang matandang babae daw ito at nakakatakot pa diumano. Bagay na nakapagdulot sa kaniya ng kaba ngunit nanaig ang kaniyang pagnanais na mabili ang lupa. Minabuti niya ang puntahan ang matanda.

Urong-sulong.
Mabigat ang mga paa at natatakot...
Kinalap niya ang lahat ng lakas ng loob na nakaimbak at siya ay kumatok!

●2●

...Dahan-dahan ang pinto na medyo may kalumaan na ay bumukas!

Tumambad sa kaniyang harapan ang matandang babae na kanina ay sa mga kuwento lamang niya naririnig.

Tama sila.
May katandaan na ang babae na nagpakilalang Minda, subalit taliwas sa kaniyang mga narinig hindi siya nakakatakot, bagkus siya ay iyong tipo ng tao na mukhang seryoso at istrikto iyon bang parang unang kita mo pa lamang ay iyo nang irirespeto?

Dinulutan siya nito ng "tubig".

Mahaba-haba din ang kanilang naging pag-uusap at sa huli ay kanilang napagkasunduan na sa luma ngunit malaking bahay na maraming silid muna siya mamamalagi, habang hindi pa natatapos ang bahay na kaniyang ipapatayo.

Pumayag din ito na ipagbili ang lupa sa kaniya.

"Ang totoo niyan, ang sapantaha ng mga tao dito ay sa akin ang malawak na lupain dito sa Baryo. Pati na din hanggang sa may bukid at kagubatan na nakapalibot sa lugar na ito, ngunit taliwas sa kanilang inaakala, ako ay tagapamahala lamang. Wala akong tunay na aking pag-aari na maipagmamalaki- ako ay "katiwala" lamang..." kuwento pa ni Minda sa binata.

"Marami pong salamat sa pagpayag ninyo na mabili at hulug-hulugan ko lamang ang lupa na iyon..!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Armand.

Nagtaka naman ang matanda kung bakit ganoon na lamang ang reaksiyon ni Armand, kaya't ito'y kaniyang tinanong kung bakit.

Sinagot naman siya nito ng walang halong pag-aatubili, "Nagkasala po ako sa batas! Marami po akong nagawang kasalanan. Napa-barkada po ako sa siyudad at doon ay napasama sa maling mga tao. Naimpluwensiyahan po nila ako na gumawa ng masama, gayon pa man... hindi ko po sila sinisisi, sapagkat kinikilala ko po ang aking mga kamalian. Kahit ano po kasi ang panghihikayat kung talagang matibay ang paninindigan ng isang tao, ay hindi po siya mahihila sa maling landas. Nakulong po ako sa mahabang panahon at doon ay nakapagsisi, doon po ay nalaman ko ang kahalagahan ng mga bagay-bagay." mahaba nitong pahayag.

Napatangu-tango naman si Aling Minda at siya ay nag-wika, "Nauunawaan ko na marahil naging mahirap sa iyo ang makapagbagong-buhay at puno ng panghuhusga sa iyo ang lipunan dahil sa iyong naging nakaraan, subalit huwag kang mag-alala, dito sa bahay at sa baryo na ito, ikaw ay ituturing namin na hindi iba!" nakangiting wika nito, maaliwalas ang mukha at nakakagaan ng kalooban ang kaniyang bawat pahayag.

Siya ay muling nag-pasalamat dito, ngunit mayroon itong naging pahabol na babala sa kaniya. "May ilang bagay lamang akong hihilingin sa iyo"

Ano po iyon?

MGA KUWENTO NI M.E.C.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon