Isla Moral ●1● 3ng Buto

1.5K 28 2
                                    

●3ng Buto●


Sa gitna ng isla ay may isang kakaiba at napakalaking puno. Hitik ito sa bunga.


Hindi nagtagal ang mga bunga mula sa malabay nitong mga sanga ay nahulog.


Tatlo mula sa mga bunga na iyon ang gumulong malapit sa nabanggit na puno.


Matulin na umusad ang kamay ng orasan sa mundo... dumaan ang tag-ulan, mga bagyo at pagbaha, gayundin ang tag-araw...


Lumipas nga ang mga araw at ang mga prutas ay nabulok. Kapagkaraan ang mga naturang prutas ay bumaon sa lupa.
Ang buto sa loob ng bawat prutas na ito ay nakasipsip ng sustansya.


Unti-unti, sumibol mula sa mga buto ang maliliit na sanga at mga dahon.

Kalaunan ang maliliit na sibol ay naging mga halaman.
Hanggang sa mga ito ay naging maliliit na puno.



Isang araw, nag-usap-usap sila.
Ang pangalan ng nauna sa kanila na sumibol ay si "Una", ang pangalawa ay SI "Dos", habang ang pangatlo ay si "Tres".


Una: Ako ang panganay at pinaka-malaki sa atin. Ako din ang pinaka-makapal ang mga dahon. Sa aking likas na ganda ay wala nang hihigit pa!


Dos: Talaga? Ngunit sabi ng ilan nag-iisa na pinaka-mataas at pinakamaganda ang ating pinagmulan.


Una: Ano'ng pinagmulan?
Wala tayong pinagmulan!
Tayo ay likha ng kalikasan. Wala tayong utang-na-loob kahit na kanino!
Wala nang hihigit pa sa ating tayog at talino.
Nakagagawa tayo ng sarili natin na pagkain at nakapagbibigay pa sa iba.
Sa ating malalagong dahon—mga hayop ay nagkakanlong, sumisilong sa init ng araw o ulan man!


Dos: Para sa akin naman ay iba, naniniwala ako na mayroon tayong pinagmulan... pero kung sino at ano man iyon ay wala siyang kwenta!
Pinabayaan niya tayo..!


Tres: Nagkakamali kayo mga kapatid ko! Hindi ninyo ba nakikita??
Napakalaki niya, kung kaya't kahit maliliit pa lamang tayo na mga puno ay hindi tayo nasusunog sa ilalim ng napakainit na sikat ng araw, iyon ay dahil sa Kaniya. Kinakanlungan niya tayo ng malalago niyang mga dahon!


Araw-araw ay nagpapaliwanag si Tres sa dalawang kapatid ngunit hindi sila nakikinig sa kaniya...


Dumaan ang maraming mga araw.
Natapos muli ang tag-araw at dumating ang tag-ulan.


---»»»●«««---


Isang umaga ay nagulat sa kaniyang paggising si Tres sapagkat napakalakas ng hangin at ulan!


Binabagyo ang buong isla!!!

Luminga-linga siya at kaniyang nakita ang mga kapatid.

Sinisikap ni Una na labanan ang hangin, sa pamamagitan ng kaniyang mga sanga, habang si Dos ay tinitigasan ang katawan mula sa pagkakatayo, wala ni isa man sa kanila na nais kilanlin na may nakahihigit sa kanila ng lakas!

Maging hangin o unos man ay walang makapagpapatumba sa kanila! Ito ang kanilang naiisip nang mga sandaling na iyon.



Pinayuhan niya sila na yumukod at sumunod sa bawat hampas ng hangin, ngunit hindi sila sumunod.


Sumigaw si Tres. Umaasa siya na maririnig ng malaking puno (kung saan sila ay nagmula) ang kaniyang paghingi ng tulong. "Ama, kung naririnig mo ako, napalakas ng bagyo ngunit sana ay dalhin ng ihip ng hangin ang i-u-usal ng mga labi na ito!!
Tulungan mo po ang aking mga kapatid!! Maawa ka...!"



MGA KUWENTO NI M.E.C.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon