Duwende

994 17 0
                                    


1

Mula sa umbok ng lupa sa likod bahay ng Pamilya Arguelles, doon ay nakatira ang mag-asawang duwende. Ang pangalan nila ay Enggasyang at Manading.

Matagal na silang mag-kabiyak ngunit hindi pa din sila nabiyayaan maski na isang supling na siya sana'ng magbubuo ng pamilya na kanilang pinapangarap, at huhusto sa kaligayahan nilang mag-asawa.

Samantala, ang pamilya Arguelles ay walang pagsidlan ng kasiyahan, paano nga ba'ng hindi ay nagsilang ng isang sanggol si Nenita ang maybahay ni Nestor.

Isang napakaganda'ng batang babae na pinangalanan nilang Nancy.

---»»●««---

Lumipas ang mga araw.

Malakas na ulit si Nenita, ipinasya nito ang magtrabaho na muli, habang ang pangangalaga sa bagong-silang na anak ay ipinagpaubaya nila sa ka-kukuha pa lamang nilang yaya.

Samantala, dahil wala'ng katulong sina Nestor ang nakuha nilang yaya ang siya din na nagluluto at naglilinis ng buong bahay, dahilan upang ang panahon sa inaalagaan na bata ay limitado, hindi naman niya ito pinababayaang magutom, manlimahid o umiyak, subalit dahil sa dami ng gingawa hindi niya na ito nalalaro o nakakausap man lamang.

Malimit ay naiiwan ito sa kaniyang kuna. Ang bagay na ito ay naging ordinaryo, araw araw ay ganito, hanggang ang mga araw na lumilipas ay naging linggo at ang linggo.. buwan.

2

Hindi nagtagal ay nag-walong buwan na ang bata.

Lingid sa kaalaman ng yaya, ay nilalaro ito nina Enggasyang at Manading ang mag-asawang Duwende.

Nahabag ang mag-asawa'ng duwende sa bata dahil malimit ay wala'ng panahon sa bata ang mga magulang nito.

Malimit ay gabi na kung sila ay umuwi, panay ang padagdag ng trabaho, sapagkat nais nilang pareho na kahit may anak na ay maging matagumpay pa din sila.

Minsan, nagulat ang yaya ng biglang tumawa ang bata habang ito ay nag-iisa sa loob ng crib, siya naman noon ay kasalukuyang nagluluto ng pananghalian sa kusina.

Dali-daling nag-tungo ang yaya papunta sa bata, natakot ito na baka napasok na sila ng magnanakaw o ng mga masasamang loob na nangunguha ng bata, subalit sa halip na makahinga ng maluwag dahil bukod sa bata ay wala na ito'ng ibang nakita doon, ay lalo pa itong natakot! Paano nga ba'ng hindi ay kitang-kita nito na nakatitig ang bata sa iisang direksiyon at tila ba mayroong kinakausap, medyo bulol pa ang pitong buwan na bata kaya hindi niya pa maintindihan ang sinsabi pero aliw na aliw ito sa mga hindi nakikitang kausap!

●3●

Lalong kinilabutan ang yaya ng biglang tumawa ng malakas ang bata!

Lingid sa kaalaman nito, ang mag- asawa'ng duwende ay nandoon at nilalaro ang pitong buwan na bata.

May mga kasama sila ngayon, mga kaibigang duwende rin ng mag asawa, makukulay ang kasuotan ng mga ito, masasaya at may mga dala-dalang mga laruan. Nagtayo din sila ng maliliit na tila mga tindahan, at naglaro sila ng tinda-tindahanan. Kumakanta din sila at sumasayaw kung kaya't aliw na aliw ang bata!

Malimit pa ay kinakausap siya ng mga ito na tila ba matanda na siya.

Bagay na lalong nakapagpalapit sa kalooban ng bata sa mga ito, dahil hindi man niya masabi ay nasasaktan siya sa tuwing hindi siya pinapansin ng kaniyang mga magulang.

MGA KUWENTO NI M.E.C.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon