Psst! Psst!
Kinilabutan si Stanley ng kaniyang marinig ang mga paswit sa kadiliman ng gabi.
Galing siya sa bukid.
Binisita niya ang malawak nilang pataniman ng palay, mais at mga gulay. Sa may kasukalan siya dumaan sapagkat ito ang pinakamalapit na daan pauwi.
Nagmadali siyang lalo sa kaniyang paglalakad.
Palakas naman ng palakas ang paswit...
Sa kaniyang pandinig ay parami din ng parami ang pinanggagalingan ng mga mumunting tinig...!
Nagpalinga-linga siya, nangangatal na sa takot at para bang tinanggalan na ng lakas.
Ang mga pumapaswit na hindi Nakikita ay tila ba nakapaligid na sa kaniya!!!
●1●
Umaga.
Gumimbal sa Baryo Ipil ang isang kahindik-hindik na tanawin!
Gula-gulanit ang suot ni Mang Nestor, naliligo ito sa sariling dugo at butas-butas ang buo nitong katawan!Ang mga mata nito ay dilat na dilat na para bang natakot ito ng husto bago binawian ng buhay.
Nagkakagulo ang mga tao.
Bago nakarating ang mga pulis na siyang mag-iimbestiga ay puno na ng mga usyoso ang paligid ng bangkay na noon ay nilalangaw na.
Itinaboy ng mga pulis ang mga tao upang hindi masira ang mga ebidensiya sa paligid.
Napailing-iling si Spo3 Hernandez, "Sa itinagal-tagal ko sa pulisya ngayon lamang ako nakakita ng ganitong klaseng krimen!"anito na sinang-ayunan naman ng mga kasamahang pulis.
Hindi sila nagtagal sa pag-iimbestiga, bago sumapit muli ang gabi ay kanila nang tinapos ang mga gawain sa pinangyarihan ng krimen.
Dinala na din ang bangkay sa kabilang bayan upang awtopsiyahan, dahil walang sapat na kagamitan upang maisagawa ito ng maayos sa kanilang lugar.
●2●
Ang buong baryo ay binalot ng pangamba.
Matapos ang nangyari kay Mang Nestor, ay wala nang lumabas pa ng dis-oras ng gabi.
Samantala.
Sa lamay ni Many Nestor ay patuloy na tumatangis ang mga ka-pamilya at kamag-anakan nito.
Bukas na ito ihahatid sa huling hantungan dahil nga sa mabilis na pagka-agnas ng bangkay nito, kahit pa nga sabihing na-embalsamo na ito.
Maraming nagsusugal sa lamay, isa na doon si Manny.
Tubong maynila ito at hindi naniniwala sa mga Engkanto, lamang-lupa at iba pa na pinaniniwalaan ng Baryo na siyang sanhi ng nangyaring pagpaslang.
Hinala niya ay adik sa droga ang may kagagawan niyon.
Nagbabakasyon siya sa bahay ng kaibigan niyang si Ian.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTO NI M.E.C.A
Short Story#25: Short Story Category December 21, 2016 Naglalaman ng mga maiigsing kuwento para sa kabataang pilipino. Nasusulat po saTagalog Ang mga istoryang inyong mababasa sa loob (Tagalog Dialect).