Ang babae at ang kaniyang Banga

2K 38 8
                                    

May isang babae na lumilibot dala-dala ang kaniyang banga na puno ng tubig..

Walang naka-a-alam kung saan siya nanggaling, kung ano ang kaniyang 'ngalan at kung saan siya patungo..

T'wing may nakikita siyang na-u-uhaw, binibigyan niya sila ng tubig, mula sa Banga'ng kaniyang dala-dala..

Ang mga nakatatanggap ay nasasabi nilang muli silang binalikan ng sigla 'pagkat ang tubig ay hindi lamang malinis kundi manamis-namis pa..

Bawat araw, kaniyang kasiyahan ang makapagbigay ng tubig..

Subalit dumating ang panahon na halos malapit nang maubos ang laman nito..

Napagawi siya sa may kagubatan at duon ay sumalok ng tubig..

Mula sa bukal, malinis at matamis na tubig ang kaniyang na-i-laman sa banga..

Muli, siya ay naglakbay..

Sa panahon na iyon ay naganap ang malawakang tagtuyot...

Marami siyang nakitang nauuhaw..

Patuloy niyang ipinamigay ang tubig na kanyang dala-dala mula sa banga...

Nilibot niya ang ka-bayanan, doon may ilang tao na nag-ambag sa bangang kaniyang dala, nagbigay sila ng tubig, isang takal..

Dalawang takal..

Kalahati na lamang ang laman ng kaniyang banga, subalit dahil alam niya na sa disyerto ay mayroong higit na nangangailangan ng tubig.

Minabuti niya na pumaruon.

Nakita niya ang ilang mga tao na uhaw na uhaw.

Binigyan nila siya ng tubig..
Dahil sa init ng disyerto siya man ay nauhaw din..

Hanggang mapadako ang tingin niya sa loob ng Banga..

Iisang takal na lamang ang laman niyon..

Iinumin niya na sana iyon ng mapansin niya na may mag-ina sa di kalayuan, umiiyak ang bata at mapapansing nanunuyo na ang mga labi nito..

Uhaw na uhaw man, ipinasya niyang ibigay sa mag-ina, ang laman ng Banga na isang takal na tubig.

"Tipidin ninyo iyan.." ang turan niya na may ngiti sa mga labi.

Matapos iyon ay muli siyang naglakbay, malayo ang kagubatan kung saan nandoon ang bukal ng tubig na dati ay kaniyang sinasalukan.

Uhaw na uhaw siya at sa sobrang init napaupo siya.

Napatingin sa banga na wala ng laman..

Napaiyak siya!

Sapagkat hindi niya alam ang kaniyang gagawin, buong buhay niya iyon lamang ang alam niyang gawin, ang mamahagi ng tubig sa nangangailangan nito..

Wala siyang pinagsisisihan, subalit naisip niya, ngayong wala na siyang tubig, ngayon na said na ang kanyang sisidlan..

Ano na ang kaniyang gagawin?

Ngayon, na ang dati-rati ay siyang layunin niya sa buhay..

Ay wala na?

Muli, kaniyang ipinagpatuloy ang paglalakbay, sinikap na humanap ng ibang mga bagay na makapupuno sa kaniyang banga na dala-dala..

Dumaan muli ang mga araw, kaniyang nabatid, ang laman ng kaniyang banga ay hindi na tubig na nagbibigay buhay..

Bagkus..

....napalitan na iyon ng mga bagay na walang kabuluhan, mga walang-saysay, mga basura na hindi nakaka-tulong o nakapag-daragdag ng buhay.

Isang umaga;

Siya ay nagising, mula sa kaniyang pagkakahimbing..

Na-u-uhaw at nagu-gutom, ngunit basurang laman ng kaniyang banga ni isa man ay hindi makapagpapawala..

Uhaw at gutom na narararamdaman!

»»»●●○●●«««

Mula sa may akda:

Ang ating mga puso ay ang ating banga..

Laman ay pagmamahal, na siyang nagiging tubig ng pananampalataya na nakapagbibigay ng buhay..

....na makukuha lamang natin sa bukal ng buhay at katotohanan,
kay kristo Hesus (bukal ng tubig) at sa salita (tubig na manamis-namis) ng Ama na kelanman ay hindi magwawakas..

Subalit minsan, sa ating pagbibigay ng pagmamahal may mga pagkakataon na hindi natin namamalayan, naibigay na pala nating lahat..

kung minsan wala na sa ating natitira..

Minsan hindi lang sa tao kundi sa mga bagay-bagay dito sa mundo.

May mga bagay tayo na pinahahalagahan na nakakalimutan na natin ang ating buhay ispirituwal at kapag nangyari.. na ang banga natin ay nabakante o nawalan na ng laman (empty hearts),
maghahanap tayo ng anumang makakapuno dito..

May it be.. things, people, ambitions.. etc.

Anything and everything under the sun!

Subalit darating ang panahon na mapa-pag-tanto natin na ang lahat ng ito ay pawang walang kabuluhan, walang saysay, mga basura lamang, na hindi makakapagligtas sa atin sa kamatayan!

According to the Bible:


Proverbs 14:12

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Proverbs 14:12

There is a way which seems right unto a man, but the end thereof are the ways of death.

-King James Bible
(Bible hub.com)

1 Corinthians 10:23

"I have the right to do anything," you say-but not everything is beneficial. "I have the right to do anything"-but not everything is constructive.

-NIV.
source of bible verses:
Bible Gateway (online)

MGA KUWENTO NI M.E.C.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon