●1●
Mainit ang sikat ng araw,
maging ang hangin na siyang dumadapyo ay init din ang hatid.Ipinasya ng Triplets na sina Hector, Hilda at Harry na magtungo sa dagat upang maibsan kahit na paano ang init na nararamdaman.
Tatlumpung minuto mula sa bayan ang layo ng pinakamalapit na dagat sa kanila.
Umarkila ang tatlong magkakapatid ng tricycle upang ihatid sila at sunduin na din sa oras na napag-usapan.
Napakaganda ng dagat.
Mainit ang sikat ng araw,
senyales na simula na ang tag-araw, ngunit malakas din ang simoy ng hangin na bahagyang pinalalamig ng mga puno sa paligid.Ang payapang paghampas ng mga alon sa batuhan ay sadyang nakakapayapa ng kalooban.
Huminto ang tatlo sa kanilang paglalakad at ninamnam ang simoy ng hangin sa paligid at ang napakagandang tanawin na tila humahaplos sa kanilang mga puso.
»»»●«««
Ipinasya ng tatlong magkakapatid na lumusong na, sa tila nag-aanyayang karagatan.
Pinuno ng kanilang mga halakhak ang paligid.
Naghaharutan, nagsasabuyan sila ng tubig.Nagagawa nila ang maibigan na walang alalahanin sapagkat ng mga sandaling iyon ay walang ibang tao maliban sa kanila.
Nang biglang matigilan si Hector at sumenyas ito sa kaniyang mga labi na tumahimik muna ang dalawa niyang kapatid.
Napakunot ang noo ni Hilda na bahagyang natatawa pa, habang si Harry naman ay kunot ang noo at nakiramdam na din sa paligid. Iniisip nito kung ano kaya ang maaring dahilan at pinatatahimik sila ng kapatid?
●2●
Ilang sandali ang lumipas bago narinig ni Harry ang dahilan ng pagpapatahimik sa kanila ng kapatid.
Isang malamyos na tinig ang tila isinasayaw ng hangin at dinala sa kanilang pandinig.
Napakatamis ng tinig ng kumakanta, nakakahalina at tila ba nag-aanyaya.Samantala, si Hilda ay takang-taka ng mga sandaling iyon.
Nakapikit ang mga mata ng kaniyang dalawang kapatid at parang mga estatwang hindi gumagalaw.Hindi nakatiis si Hilda, agad niyang niyugyog si Harry, "Hoy! Anong nangyayari sa inyo...??!!" Sigaw nito sa kapatid na naging parang tuod sa pagkakatayo.
Nagising mula sa pagkakahimbing naman ang wangis ni Harry ng mga sandaling iyon, Ha? Ba-bakit...?!"
"Anong bakit??! Nakatigil kayo at parang mga shunga na nakatulala, at naglalakbay sa tralala-land, tapos ako pa tinatanong mo kung bakit??" Halos hysterical na si Hilda habang kinakausap ang kapatid.
Sinikap alalahanin ni Harry ang mga pangyayari bago ang naging pagyugyog sa kaniya ni Hilda.
"Boses... boses na kumakanta nang napakaganda!"bulalas nito.
"Ano..??!! Pero wala naman akong nadinig, eh hindi naman ako bingi at lalong hindi maingay... hindi din tayo magkakalayo, kaya paanong...?" nagugulumihan si Hilda kung kaya't napalinga siya upang tanungin si Hector kung pareho ba sila ng dahilan ni Harry.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTO NI M.E.C.A
Short Story#25: Short Story Category December 21, 2016 Naglalaman ng mga maiigsing kuwento para sa kabataang pilipino. Nasusulat po saTagalog Ang mga istoryang inyong mababasa sa loob (Tagalog Dialect).