Isla Moral : Buod

285 11 1
                                    

(Synopsis)
※Isla Moral Series※

Introduksiyon

May isang pulo na ang pangalan ay "Isla Moral", nag-iisa itong isla na hindi pa natutuklasan ng mga tao.

Hindi pa ito nawawasak o naaapektuhan ng sibilisasyon.
Sa isla din na ito ang mga puno, halaman at mga hayop.. lumilipad, gumagapang o lumalakad man ay nakakapagsalita.

Nagkakaintindihan silang lahat, gamit ang lengguwahe ng kalikasan.

———————————————

3ng Buto

Ano nga ba ang utang na loob?
Ano nga ba ang kahalagahan ng pagkilala sa ating pinagmulan?
Tutoo nga ba ang kasabihan na,
"Ang taong hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paruroonan?"

Atin pong tunghayan ang istorya ng "Tatlong buto" na may tatlong magkakaibang personalidad...
Mga katangian na sumasalamin sa bawat isa sa atin.


——————————————


Isko

May tama at mali ba sa pagpapakita ng importansiya at pagmamahal?

Hanggang saan ang kaya nating ibigay at ibahagi sa ngalan ng pakikipagkaibigan?

Kailan mali ang mali at kailan tama ang tama at kailan ang tama ay nagiging mali at ang mali ay nagiging tama?

Mga katanungan na mabibigyang  kasagutan kung inyo pong tutunghayan ang istoryang pinamagatang "Isko", parte ng serye na "Isla Moral".

Si Isko ay isang kabayo sa Isla Moral na may Busilak na puso.

Subalit ano nga ba ang discernment?

Ano ang pagmamahal?

Bago tayo magmahal ng iba, hindi ba dapat ay mahalin muna natin ang ating Mga sarili ng sa gayon ang pagmamahal na ating maibabahagi ay magtatagal?




———————————————




Si Talami at si Langgi


Isang istorya na naglalarawan ng ugali at katangian ng marami sa atin.

Atin pong basahin ang kuwento ng dalawang matalik na magkaibigan. Si Talami na isang Talangka at si Langgi na isang Langgam.

Ating alamin ang kanilang mga katangian at  kung paano nila harapin ang mga hamon sa buhay.

Ang kanilang pagtutunggali at kung sino nga ba ang tunay na mananalo sa labanan ng Talangka at langgam?

Ano nga ba ang higit na importante?
Ang matalo ng may dignidad o manalo na sira naman ang pagkatao?

Mga katanungan na masasagot kung inyong babasahin ang ikatlo at huling kuwento sa serye na pinamagatang, "Isla Moral".

——————————————

Isla Moral※


Q: Ano nga ba ang Isla Moral?

A: Ito ay isang isla na bunga lamang po ng aking imahinasyon na may layunin na makapagbahagi ng moral values sa kabataan.
In short, kapupulutan po ito ng mga aral at mga kasabihan na may kabuluhan kahit sa panahon ngayon na may pagka-moderno na.

PS. Sana po ay huwag nating isaisantabi ang mga kasabihan na bahagi na ng kulturang Filipino.

——————————————

Sana po ay inyong tangkilikin ang Isla Moral.

——————————————

To God be all the Glory!
💗🙏🙇☝🙇🙌🙇🙏💗



MGA KUWENTO NI M.E.C.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon