(Synopsis)
※3D※
(Introduksiyon)Tatlong magkakaibang kuwento na pinagsama-sama ko po ang mga buod sa iisang pahina o part, dahil lahat sila ay nagsisimula sa Letrang D- hence the title 3D.
—————————————
●Dayo●
Isang Dayo lamang si Armand sa baryo.
May nakatagong lihim ang kaniyang pagkatao ngunit sa pagdaan ng mga araw ay kaniyang natuklasan na hindi lang pala siya kundi ang marami pang iba sa baryong iyon ang may sekreto.
Tunay na ang mundo ay punung-puno ng misteryo, kababalaghan at pakikipagsapalaran!
Sino nga ba ang hindi tulad niya?
Tulad niya na isang...
DAYO.————————————
●DIWATA●
Ang mga Diwata daw ang siyang nangangalaga sa kalikasan.
Ayon sa mga matatanda, sila daw ay mga nilalang na isinumpa ngunit may mga kapangyarihang taglay.
Alam din daw ng mga diwata kung saan nakatago ang mga kayamanan.
Kung minsan ay literal at kung minsan ay naglalarawan sa kung sino ang isang tao.Ang ano man daw na reward or punishment na kanilang iginagawad ay base sa kung sino at ano ka...
Ikaw, nanaisin mo ba na makakita ng isang...
DIWATA?————————————
●Duwende●
Isang mag-asawang duwende diumano ang kumidnap sa isang batang nawawala...
Gaano kaya ito ka-totoo?
Masama ba talaga ang mag-asawang Duwende na kanilang itinuturong nagnakaw ng bata o applicable sa kanila ang kasabihan sa wikang inggles na:
"Things aren't what they always seem?"
————————————
[A/N]: Susunod sa page po na ito ang tatlong magkakaibang mga istorya na nabanggit.
Happy reading po!
💓💓💓
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTO NI M.E.C.A
Short Story#25: Short Story Category December 21, 2016 Naglalaman ng mga maiigsing kuwento para sa kabataang pilipino. Nasusulat po saTagalog Ang mga istoryang inyong mababasa sa loob (Tagalog Dialect).