Misteryo ng Salamin

134 6 0
                                    

●1●


Naglalakad si Gertrude sa kahabaan ng kalsada na nagdurugtong sa Sitio Mayabong at Baryo Mahinhin nang may mamataan siyang isang bagay na kumikinang nang dahil sa tama ng sinag ng araw!

Isang salamin.

Isang salamin sa gitna ng kalsada...

Pinagmasdan ito ni Gertrude.

"Napakaganda!" Mahinang bulalas ni Gertrude.

Lumapit siyang lalo upang mas higit itong mapagmasdan.

Katamtaman ang laki ng naturang salamin. May hawakan ito at tila yari sa bronze ang paligid na na-a-adornohan ng mga lilok sa palibot, habang ang bawat kurba ay may maliliit na bato.

»»»●«««

Grade 6 pupil si Gertrude sa Mayantok elementary school

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Grade 6 pupil si Gertrude sa Mayantok elementary school.
Papasok na siya sa eskwelahan nang kaniyang mamataan ang salamin at ngayon nga ay kaniya itong pinulot.

Nanlaki ang mga mata ni Gertrude nang biglang lumiwanag ang salamin, umilaw ito ng napakaningning at hinigop siya paloob!!

●2●

Bumagsak sa lupa si Gertrude.

Before it all happened, ang tangi niya lang natatandaan ay naglalakad siya papasok ng school...
Ngayon, nandito siya sa isang lugar na kakaiba at ngayon niya lang nakita!!

Madilim ang kalangitan subalit hindi malamlam na liwanag dala ng ulap na natatakluban ang araw, kundi mamula-mulang sinag, kawangis ng kalangitan kapag malapit nang lumubog ang araw ngunit mas matingkad.

Maalinsangan ang paligid.
Mahangin pero dry at malagkit ang pakiramdam ni Gertrude.

Inilibot niya ang kaniyang paningin.

Malawak ang tila disyerto na lubak-lubak.

Mula sa kaniyang kinaruroonan at kaniyang natatanaw ang tila isang Oasis.

Hindi alam ni Gertrude kung tutoo ba ang Kaniyang nakikita o ito ung mirage na tinatawag.

Isang bagay o lugar na nakikita kapag naghahalucinate ka na dahil sa pagod at gutom.

Hindi maintindihan ng dalagita kung bakit gutom na gutom at uhaw na uhaw siya.

Tila ba siya naglakbay sa napakalayong lugar.

MGA KUWENTO NI M.E.C.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon