Alamat ng mga Alagad ng kadiliman

306 8 2
                                    


1

Noong unang panahon ay may mga higante.

Noong unang panahon ay may mga higante

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sila ay mga supling ng mga anghel at ng mga tao na kanilang pinagnasahan at ginawang asawa.

Sila ay naging mga mandirigma.

Marami sa kanila ang naging mga pinuno at karangalan sila ng bawat bansa na kanilang pagsilbihan.

Subalit ang dugong dumadanak sa bawat digmaan ay hindi sa kanila naging sapat. Sila ay kumain ng mga tao at nagka-anak ang ilan sa kanila sa mga hayop.

Mga hybrid na tinatawag. Mga nilalang naging diyos-diyosan at sinamba ng maraming bansa tulad ng Ehipto. Kalaunan, ang mga tao ay nag-alay sa kanila ng mga sanggol!

Pinapatay at idinidilig ang mga dugo ng mga walang malay na musmos sa mga altar na ginawa para sa kanila.

Ang kanilang dugo at pag-iyak ay nakarating sa ika-pitong bahagdan ng langit at doon... ito ay nalaman ni Diyos!

Naghinagpis ang puso ng lumikha ng lahat nang ito ay kaniyang malaman. Ikinasuklam niya na ang mga tao na kaniyang nilikha at patuloy na kinakalinga ay sumasamba sa mga supling ng mga suwail na anghel na kaniyang pinalayas sa kalangitan.


Siya ay nagmasid, luminga-linga...

Subalit pawang kasamaan ang kaniyang nakikita sa paligid.

Pagsasamantala sa kababaihan, pangangalunya, pagsamba sa Diyus-diyosan, kabi-kabilang pagpatay at walang awang pangmu-molestiya sa mga bata!


Lahat ay impluwensiya ng mga anak ng dating mga anghel— anghel na itinakdang sumamba at magpuri sa Diyos, ngunit nagturo sa mga tao ng kasamaan, ng siyensiya (karunungang malimit ay naabuso), pakikipagdigma at paggawa ng mga armas! Napakaraming karumal-dumal na gawain na hindi kailanman dapat na isulat o ilarawan ng sinuman sa ano pa mang paraan sa kadahilanang ito ay napakatindi!

Mula sa kalangitan, ang kaniyang puso ay umiyak sa habag dahil sa mga namatay na matuwid at inosente! Poot naman ang naramdaman niya sa mga natirang masama.

»»»●«««


Likas na maawain ang Diyos. Nang siya'y makakita ng isang matuwid na ang ngalan ay Noe, ito ay binigyan niya ng tsansa.


Ipina-kausap niya ito sa isinugong tapat na anghel.

Siya at ang kaniyang pamilya ay binalaan sa napipintong paggunaw sa mundo sa pamamagitan ng tubig.


“Noe, ikaw ay naatasang siyang gagawa ng arko upang ikaw at ang iyong pamilya ay maligtas. Binibigyan kayo ni Yahweh ng panibagong tsansa upang maging bagong henerasyon ng mga tao at mga nilalang sa daigdig. Lahat ng kaniyang nilalang ay minamahal ni Yahweh. Maari niyang burahin na lamang sa mundong ibabaw ang lahat ng nilalang at gumawa muli ng bagong mundo, subalit lahat ay malapit sa kaniyang puso, nais niyang hindi tuluyang mabura ang mga tao na nagmula kina Adan at Eba at mga nilalang na nagmula sa sinaunang mga hayop. Subalit lahat ng kawalang katarungan at karumal-dumal na gawain ay nakarating Sa KANIYA. Sumisigaw ang lupa sa dami ng inosenteng mga dugo ng sanggol na dumanak upang ialay sa mga diyos-diyosan... talamak ang kasamaan at wala nang ibang paraan upang ito ay wakasan maliban sa paggunaw sa mundo at linisin ito sa pamamagitan ng tubig.” wika ng anghel kay Noe.


Nakiusap naman si Noe na bigyan pa ang mga tao ng karampatang panahon, upang magbalik-loob at humingi ng kapatawaran kay Yahweh.

Nalugod ang puso ni Yahweh sapagkat lalo niyang nakita ang kabutihan ng puso ni Noe, pumayag siya sa pakiusap nito.

Mula noon ay humayo si Noe. Paroot-parito, ipinamamahagi ang salita ng Diyos at ang nakatakdang maganap.
Kaniya silang hinimok upang magbalik-loob at humingi ng kapatawaran sa Diyos.


Ngunit wala ni isa mang nakinig maliban sa mga kapamilya at ilang kaanak ni Noe.

Kaya't ipinasya na nilang gumawa ng arko.
Bawat sukat at materyales na kanilang ginagamit ay ayon sa instruksiyon ni Yahweh.

Sinunod niya ang bawat utos ng Diyos.


Habang sila ay gumgawa ng arko, pinagtatawanan sila ng nga tao—kinukutya at nilalait.


Tingin nila sa kaniya ay isang nababaliw na matanda at ang kaniyang buong pamilya ay mga bulag na tagasunod.


Magkagayon man, si Noe ay hindi tumigil at habang papalapit ng papalapit ang araw ay lalo siyang nagsumikap na sila'y madagdagan kung hindi man lahat ay maligtas, subalit ang kanilang mga tenga ay tila naging bingi na hindi nakakarinig...

Natapos ang arko. Bawat uri ng hayop ay may isang pares na kusang pumasok dito. Sa huli ay pumasok na din si Noe at kaniyang buong pamilya.

Hindi nagtagal ang hatol ng kalangitan ay dumating...

Humaginit ang hangin at ang ulan ay pumatak. Isang napakalakas na bagyo ang dumating at saan mang dako ng mundo, ito ay nanalasa.

Kasunod ay walang tigil na pagbuhos ng ulan. Hindi nagtagal… bumaha sa buong daigdig.




Nabilanggo sa kailaliman ang pinuno ng mga rebeldeng anghel, habang ang kaniyang mga kasamahan ay naging mga demonyo.

Ang mga hybrid o mga anak ng mga dating anghel na tinatawag na Nephilim ay naging masasamang espiritu. Mga sirena naman ang mga babaeng Nephilim at lamang-lupa ang mga apo ng mga dating anghel.

Mula sa kanila ay nagsulputan ang mga nilalang na matapos malunod sa matinding baha ay naging tila "anino" na lamang, na sa kadiliman lang maaaring makakita o mga nilalang na hindi pwedeng makita ng mga tao. Wala na silang anyo o solidong katawan, nanggagaya na lamang sa 'itsura ng mga yumao na. Sila naman ang pinagmulan o inaakala ng mga tao na "multo".


Sila na dati ay sinasamba ngayon ay naging mga nilalang na nagtatago sa mga tao. Nagpapakita lamang kung gagawa ng masama, mananakot o magbibigay ng bangungot.

Sila din ang mga nagbibigay ng bangungot sa mga tao na lumalayo sa panginoon upang tulad nila ay hindi na makaligtas pa sa kapahamakan.

Sa puso nila ay namayani ang poot at inggit... tila sila ay mga ahas na oras na mabigyan ng tsansa ay manunuklaw sa mga tao na hindi tulad nila ay binigyan ng bagong tsansa! Habang ang mga tao naman sa mga hindi nakikilalang nilalang ay nananatiling ignorante. Ngunit sa tuwing sila ay makakatagpo ng nilalang ng kadiliman— hindi man lubusan na alam kung ano ang mga nilalang na ito, sila ay kanilang pinupuksa, pinag-aaralan o pinag-i-eksperimentuhan...

Mga supling ng ahas sa hardin ng Eden.


Wakas



———♡♡♡———


Paunawa※

Work of fiction po ito ngunit may ilang parte po na hinango sa Bibliya.

———♡♡♡———




MGA KUWENTO NI M.E.C.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon