Si Talami (talangka) at si
Langgi (langgam)Sa "Isla moral" ay may dalawang pinuno ng magkaibang uri ng hayop.
Sila ay magkaribal sa maraming bagay. Simula't sapul sila ay laging nagpapagalingan.
Ang una ay si Talami. Isang talangka at pinuno ng lipi nila, habang ang pangalawa naman ay si Langgi isang langgam na siyang pinuno naman ng kanilang uri.
Dati silang matalik na magkaibigan subalit sa pagtagal ng panahon hindi lamang nagkalamat, bagkus ay nagkameron pa ng kompetisyon sa kanilang dalawa.
Lahat ng iyon ay nag-ugat ng minsang ipagmalaki ni Talami na wala nang mas huhusay pa sa kanilang mga talangka.
Sila ang mga hayop na maraming paa kung kaya't nakakapaglakad sila ng matulin.
Madali din silang nakakahanap ng pagkain at hindi pa sila malulunod kahit mabasa pa ng tubig. Hindi gaya ng mga langgam mabagal kung ikukumpara sa kanila!
Ayon pa dito, mahinang uri ng hayop ang mga langgam, sapagkat hindi sila nakalalangoy, hindi nakalilipad at madali pa diumanong malunod o mamatay dahil sa tubig.Nagalit si Langgi sa pang-mi-menos ng kaibigan sa kanilang uri.
Pinalalampas niya ang pagiging hambog nito dati, sa kadahilanan na pinapahalagahan niya ang kanilang pagkakaibigan.
Sa tutoo lang naiinis na din siya minsan, ngunit dahil nga matagal na nga silang magkaibigan kaya't naging mahaba ang pasensiya niya dito.
Ngayon ay ibang usapan na!Buong uri niya na ang minamaliit nito!
Bilang pinuno ng lahat ng mga langgam sa buong Isla, mayroon siyang pananagutan sa kanilang uri!
Responsibilidad niya ang ipagtanggol ang kanilang buong lipi, ang ipaglaban ang kanilang dangal bilang langgam..!
Dahil sa mga narinig ay isang buwan na hindi kinibo ni Langgi ang kaibigan.
Panahon na ginugol niya sa pag-iisip ng pinakamabuting paraan upang maibangon ang kanilang karangalan.
»»»●«««
Sa kabilang dako.
Takang-taka naman si Talami kung bakit isang buwan niya nang hindi nakakausap ang kaibigan.
"Bakit kaya...??" Nag-iisip si Talami habang ito ay matuling tumatakbo sa buhanginan.
Isa sa mga bagay na ipinagmamalaki niya bilang talangka, ay ang kakanyahan nilang makapag-isip habang tumatakbo at naghahanap ng makakain.
"Siguro ay naliitan sa kaniyang sarili.. sabagay, ano nga ba naman siya kumpara sa akin??!" Napangisi si Talami, dahil sa naisip, nakakapanliit nga naman ang kaniyang pinagmulan na uri. "Bakit nga ba ako nakikipagkaibigan sa kaniya?"
●2●
Lumipas ang isang buwan, matapos nang huli silang mag-usap na magkaibigan ay muli silang nagkaharap.
Sinadyang hanapin ni Langgi si Talami upang ito ay hamunin sa isang pagtutunggali gamit ang lakas at karunungan.
"Maniniwala at tatanggapin ko na mas mainam ang inyong lipi, kaibigang Talami, kung mauunahan ninyo kami na makahila ng mga dahon ng niyog at mapataas iyon ng limampung dangkal, matapos iyon ay lahat ng lipi na kalahok ay kailangang maka-akyat sa itaas nito bago lumubog ang araw.." aniya.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTO NI M.E.C.A
Krótkie Opowiadania#25: Short Story Category December 21, 2016 Naglalaman ng mga maiigsing kuwento para sa kabataang pilipino. Nasusulat po saTagalog Ang mga istoryang inyong mababasa sa loob (Tagalog Dialect).