●Isko●
Si Isko ay isang kabayo.
Nakatira siya sa Isla moral.Katulad ng maraming mga hayop at nilalang dito, siya rin ay nag-iisip at nakakapagsalita na parang tao.
Araw-araw ay tinutulungan niya ang kaniyang mga kaibigan.
T'wing Lunes, tinutulugan niya ang pamilya "Beaver" na humila ng mga troso para sa dam na ginagawa ng mga ito.
Martes.
Araw naman ng pagtulong niya sa kunehong si Puti.
Nag-iimbak ito ng mga pagkain sa kaniyang lungga.
Miyerkules.
Si Ping Pagong naman ay kinakarga niya sa kaniyang likuran at dinadala sa kabilang panig ng isla.
Nandoon kasi ang pamilya nito.
Isang beses sa loob ng isang linggo si Ping kung bumisita at nagtatagal lamang ng isang araw, kaya pag-sapit ng Biyernes ay sinusundo niya ang kaibigan.Huwebes: tinutulungan niya ang manok na si Chika. Siya ang bumubungkal ng lupa habang ito naman ang kumakakahig,
Si Misty matsing naman ay tumutulong din... ito ang nagtatanim ng mga palay. Ang elepante na si Bisug naman ang siyang nagdidilig ng mga pananim.Tuwing Sabado ay kasa-kasama niya ang mga kapwa niya kabayo.
Hilig ng mga ito ang mag-karera at palagi na ay kasali siya.Linggo naman ay tumutulong siya sa kaniyang pamilya.
»»»●«««
Natapos ang tag-araw at ngayon nga ay dumating na ang tag-ulan sa isla.
Lingid sa kaalaman ng mga kaibigan ay nagkasakit ng malubha si Isko kung kaya't matapos silang tulungan ay hindi ito nakapag-imbak ng sariling pagkain at hindi din nito naisaayos ang sariling tirahan.
Napakalakas na bagyo isang umaga, ang dumating sa isla.
Tinangkang makisilong ni Isko sa kaibigang Beaver sa dam na ginawa nito, ngunit hindi ito pumayag. Masyado na raw masikip ang dam para sa pamilya nito.
Naunawaan niya naman ang kaibigan.Sumunod ay kaniyang tinungo ang kaibigan na si Puti (kuneho).
Nagugutom na kasi si Isko at alam niyang maraming imbak na pagkain ang kaibigan.
Taliwas sa inaasahan, nang makiusap siya dito na kung maaaring makahingi kahit isang buwig na gulay na nakatago sa lungga nito ay sinigawan siya nito at sinabihan ng tamad dahil sa hindi pag-iimbak ng sariling pagkain!Nasaktan man ay pinili ni Isko ang manahimik.
Nagsabi din siya sa kaibigan na si Ping (pagong) at kay chika (manok), ngunit tulad ng ibang mga kaibigan ay wala din silang maibibigay na pagkain gayon din ang matutulugan.
Sinisi pa siya ng dalawang kaibigan sa hindi pag-aayos ng tirahan bago dumating ang tag-ulan/bagyo.
Hindi niya naman makita ang mga kaibigan na kabayo.
Sa huli...
Siya ay nagtungo sa kaniyang pamilya, ngunit sa kaniyang pagkadismaya, umalis pala ang mga ito.Ayon sa iniwang sulat na kaniyang natagpuan ay nagbakasyon sa kabilang dulo ng isla at magbabalik lang sila sa muling pagbababalik ng tag-init.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTO NI M.E.C.A
Kısa Hikaye#25: Short Story Category December 21, 2016 Naglalaman ng mga maiigsing kuwento para sa kabataang pilipino. Nasusulat po saTagalog Ang mga istoryang inyong mababasa sa loob (Tagalog Dialect).