●1●
"Aaaaaaaaaaaaah..!!!" sigaw ni James. "Ano ba, Siegfred?? Dahan-dahan naman sa pagmamaneho!! Baku-bako na ang puwet ko!" Reklamo
pa nito."Pasensiya na dude, maingat naman ako, talaga lang hindi kagandahan ang daan!" natatawang sagot nito sa kaibigan.
"Lagyan natin ng make-up baka magbabago ang 'itsura!" sabat ni Migs na may halong pamimilosopo sa kaibigan, nasa bandang likod ito ng van.
Sa mga narinig ay nagtawanan ang dalawa pa nilang mga kaibigan na sina Jigger at Sam.
»»»●●○●●«««
Apat silang magkakaibigan na nagkasundu-sundong magbakasyon sa bayan nina Sam.Bakasyon sa kanilang trabaho.
Magpa-pasko kaya't ipinasya nilang magtungo sa bayan nina Sam, sapagkat hindi pa ito nakauwi mula ng makapagtapos sa kolehiyo.Matapos ang mahigit tatlong oras na biyahe ay nakarating din sila sa bayan nina Sam.
Mainit ang naging pagsalubong ng pamilya nito sa kanilang pagdating.
Dahil alam ng mga ito na pagod sila sa biyahe, matapos makakain ng hapunan ay pinatuloy na sila sa kani-kanilang gagamiting kuwarto. Malaki ang bahay ng mga ito kung kaya't tig-i-tig-isa sila ng silid na tinuluyan, paano kasi ay nabanggit na ni Sam na sanay silang magkakaibgan na magkaka-bukod ng silid-tulugan.
»»»●●○●●«««
Kinabukasan.Ipinasya nila na magtungo sa kagubatan. Mayroon diumano na talon dito (watefalls).
Bago mag-tanghali ay natunton nila kaagad kung nasaan ang naturang talon."Wow! Ang ganda 'pre!" Manghang turan ni Siegfred.
Sumang-ayon naman dito si James.
Dali-daling naghubad ang apat na magkakaibigan at nag-unahan pa sa pag-lusong sa tubig.
Makalipas ang ilang sandali.
Nag-ahunan na ang apat, paano ay nakaramdam na ng pagkalam ng sikmura si James.
Inilatag nila ang baon na banig at sa ibabaw niyon ay inihayin ang mga pagkain na dala-dala.
Masaya nilang pinag-salu-saluhan ang kanilang mga pagkaing baon. Nang maubos ang mga pagkaing dala-dala at mabusog ay muli silang lumusong sa tubig. Nag-silanguyan ang mga ito, harutan, tawanan at kuwentuhan habang nagtatampisaw na parang mga bata.
Iniwan lamang nila sa pampang ang mga balat ng mga prutas at sitsirya, gayundin ang iba pa nilang pinag-kalatan.
Nang makatapos sa paliligo sa talon ay nagbanlaw na sila.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTO NI M.E.C.A
Короткий рассказ#25: Short Story Category December 21, 2016 Naglalaman ng mga maiigsing kuwento para sa kabataang pilipino. Nasusulat po saTagalog Ang mga istoryang inyong mababasa sa loob (Tagalog Dialect).