●1●Isang batang pusit si "Galamay", malimit siya ay naiinggit sa mga isda.
"Magaganda ang mga kulay nila." wika niya. Mga kaliskis nila ay kumikinang, kumikislap-kislap pa..
Malimit ay nalulungkot siya.
Isang araw sa kaniyang ina ay nagreklamo, "Ina, bakit ganuon? Mali ang pag-kalikha sa akin... Ako dapat ay isang isda!!" reklamo niya sa kaniyang ina.
Tahimik lang na pinakinggan ng kaniyang ina ang kaniyang mga sinasabi habang sa isipan ay nananalangin na ang Diyos mismo ang magpakita sa anak na hindi kailanman ito nagkakamali.
"Pakiramdam ko ay hindi ako dapat ganito, ako ay isang isda na nasa katawan ng isang pusit, nararamdaman ko pa na sa aking puso, isang isda ang nakabihag dito!" pagpapatuloy pa nito.
"Malupit ang tadhana!" aniya sabay buntung-hininga.
Paano'y dahil sa malabis na paghanga sa mga isda, isang isda ang kaniyang napusuan.
Araw-araw, ito ay kaniyang sinusundan at tinititigan.
●2●
Lumangoy si "Galamay" patungo sa mga korales ng mga isda, kung saan ang iniibig ay laging lumalangoy at naghahanap ng makakain.
"Kumusta, kaibigang isda?"
"Mabuti naman ako, heto tulad ng dati asul pa din!" sabay ngiti ng isda na Azul ang pangalan dahil sa matingkad na asul na siyang kulay ng kaniyang mga kaliskis.
Magkaibigan na silang dalawa ngunit kahit malapit sa isa't isa ay hindi pa din maipagtapat dito ni Galamay ang kaniyang nararamdaman, alanganin siya dahil sa takot na hindi nito maibigan, paano'y magkaiba sila ng uri.
Masayang nagkukwentuhan ang dalawang mag-kaibigan ng biglang may malaking isda na kumakain ng kapwa nito isda ang mabilis na lumangoy patungo sa kanila.
Dahil sa malaki at malinaw na mata ni pusit mabilis niyang nakita ito at dahil doon ay nasunggaban ng kaniyang mga galamay ang kaibigang isda, mabilis siyang umigkas palayo habang bilanggo ng kaniyang mga mahahabang galamay ang kaibigan.
Matapos matiyak na ligtas ito ay saka niya pa lamang ito binitiwan.
Hindi ito magkamayaw sa pag-pa-pa-salamat sa kaniya.
"Salamat Kaibigang pusit! Kung hindi dahil sa iyo.. marahil naging pagkain na ako ng isdang iyon..!"
Nangingiting napakamot lamang sa kaniyang ulo si galamay, medyo umilaw-ilaw pa siya ng konti, nag-kulay roas ang kaniyang balat tanda ng pagka-tuwa. "Walang anuman iyon, gagawin ko ano man ang aking magagawa para sa iyo.. uhurm.. kasi ah.. kaibigan kita..."
Nangiti naman lalo si Azul sa narinig, tunay na mapalad siya sa pagkakroon ng kaibigang tulad ni Galamay.
Matuling umusad ang oras sa ilalim ng dagat. Natapos ang maghapon at silang lahat ay nagpahinga na sa kani-kaniyang tulugan.
●3●
Umaga.
Katulad ng dati matapos kumain ng almusal, ay muling nagtungo si Galamay sa korales kung saan ay malimit tumitigil ang kaibigang isda.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTO NI M.E.C.A
Kurzgeschichten#25: Short Story Category December 21, 2016 Naglalaman ng mga maiigsing kuwento para sa kabataang pilipino. Nasusulat po saTagalog Ang mga istoryang inyong mababasa sa loob (Tagalog Dialect).