CHAPTER 6: Max and Juice, Finally Meets [EDITED]

79.4K 1.4K 40
                                    



MAX


"How are you, Maxene? By the way, I'm Spyke Noblejas. Nice to meet you."


Nandito ako ngayon sa rooftop with this handsome guy. Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. "Nice to meet you, too, Spyke, my boyfriend."


He smiled. "Actually, your fiancé."


And so do I. "Yeah, exactly."


Ewan ko ba sa mga parents ko. I'm only seventeen and yet, ipinagkasundo na nila ako sa lalaking 'yan. And I think, nineteen or twenty na siya. At kung tutuusin pa nga, we're still strangers to each other. Ngayon lang kami nagkita personally. At pinuntahan niya ko rito sa school dahil gusto niya kong makausap. Well, dapat lang naman na siya ang pumunta dahil siya ang may kailangan sakin. Ang kapal naman yata ng kagwapuhan niya kung siya na nga ang gustong makipag-usap, ako pa ang pupunta sa kanya? Like duh!


Tumingin lang kami sa isa't-isa. At ilang sandali pa, tumikhim ako at nagtanong. "So, what brought you here? May sasabihin ka, right?"


"Yes. I just wanted to tell you na matagal na kitang kilala. Maybe I'm a stranger to you, but for me, you're not. Magkaibigan ang mga magulang natin kaya maraming naikukwento sakin ang parents mo tungkol sayo. So technically speaking, matagal ka na nilang ibinibida sakin at palagi nilang sinasabi na ako ang gusto nilang mapangasawa mo sa tamang panahon."


"Maybe it's hard for you lalo na at mukhang pine-pressure ka pala ng parents ko. And I guess, magaganda naman ang sinasabi nila sayo tungkol sakin," sabi ko na may alanganing ngiti.


Tumawa siya na para bang may naalala. "Well, sapat na siguro yung mga pictures and videos na ipinakita sakin para makilala kita. Walang pinagkaiba sa personal."


Naikuyom ko ang kamay ko at mahinang napamura sa isip. Mukhang alam ko na ang iniisip niya sakin. May pagka-bitch at pagkamaldita pa naman ako sa mga pictures and videos nung kabataan ko.


"So, what now? Iyan lang ba ang sasabihin mo sakin?"


"I'm breaking up with you, Max."


"Huh? Why?"


"There's another girl. Mahal ko siya at hindi ko kayang mawala siya sakin. Sinabi ko sa kanya ang sitwasyon ko and she's willing to wait for me hanggang sa maging maayos na ang kung anumang bagay na dapat kong ayusin. So, Max, I'm here para tapusin na ang kung anumang relasyong meron tayo."


Hindi agad ako nakapagsalita sa mga sinabi niya. Pero, isang bagay lang ang nag-process sa utak ko sa mga oras na ito. "Wait. So that means you're also breaking our engagement, right?"


"Yes. Don't worry, nasabi ko na 'yan sa mga parents natin. At wala naman silang magagawa kung ayaw ko na. Pareho lang tayong magiging miserable kapag nagsama tayo."


Gravity lang! Hindi ako makapaniwala. I'm free! masayang sigaw ko sa isip ko.


Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon