MILES
January 8. It's our fourth monthsary. May usapan kami ni Nate na ako naman ang bahala kung saan kami magce-celebrate ngayong araw since last monthsary ay siya ang nag-effort, so it's my turn to show my effort to him. Para hindi niya maisumbat ang mga ka-sweet-an kuno na ginawa niya para sakin.
Ala-sais pa lang ng umaga ay nandito na ko sa condo niya para sunduin siya. Kaso, mukhang tulog pa siya nang dumating ako. Halos mapudpod na nga ang daliri ko kaka-doorbell sa unit niya bago pa niya ko pagbuksan ng pinto. May pacondo-condo pa kasi siyang nalalaman, may mansion naman sila. At ang mayabang na lalaki! Dalihan ba naman ako ng kayabangan niya na kesyo daw ang lahat ng gwapong katulad niya ay may condo unit? Psh!
"Mine, masyado pang maaga para sa date natin," inaantok na sabi niya.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at itinulak siya sa banyo. "Sinabi ko naman sayo na buong araw at gabi tayong magkasama ngayon, di ba? Kaya tama na ang reklamo. Maligo ka na at magbihis para makaalis na tayo."
"Saan ba tayo pupunta?"
"It's a surprise, Nate. Pero, sinisiguro ko sayong masaya sa pupuntahan natin at mag-e-enjoy tayo pareho kaya bilisan mong kumilos." Nang tuluyan siyang makapasok sa banyo ay isinarado ko na iyon.
After thirty minutes, napangiti ako nang makitang itinerno niya sa suot ko ang ayos niya. Nakatokong, t-shirt at rubber shoes siya. Ang cool, and at the same time, ang hot ng dating niya.
Pagkababa sa building, agad ko siyang pinigilan nang akmang pupunta sa parking lot. "Huwag na nating gamitin ang kotse mo."
He frowned. "Bakit? Gusto mo Fortuner naman?"
Umiling ako. "Porsche?" I still shook my head. "Chevrolet?" Mas lalo akong umiling. "Ferrari? Volvo? Ashton Martin? Lamborghini? Limousine? Name it, Mine and I have it."
I rolled my eyes at him. Kailangan pa ba niyang ipamukha sakin kung gaano karaming luxury cars ang meron siya? Psh! "Hindi natin gagamitin ang isa sa mga sasakyan mo. Magco-commute tayo."
Mas lalong nagsalubong ang kilay niya. "Commute? Bakit pa kung may sasakyan naman ako? Mas madali pa tayong makakarating sa pupuntahan natin."
"No. Magco-commute tayo para matuto kang magbiyahe. Hindi yung puro name-it-and-you-have-it car lang ang alam mong sakyan." Hinila ko na siya para wala nang masabi pa.
Agad akong pumara ng tricycle at nagpahatid sa terminal. Nang lingunin ko si Nate, muntik na kong matawa sa hitsura niya. Nakasimangot siya at parang hindi rin komportable dito sa loob ng sasakyan. "Sana nagtaxi na lang tayo, Mine. Tsk."
Hindi ko pinansin ang reklamo niya. Makalipas pa ang ilang sandali, narating na namin ang terminal. Then, napatigil ako sa paglalakad nang bigla siyang huminto at humarap sakin. "Anong ginagawa natin dito? Don't tell me iyan naman ngayon ang sasakyan natin?" sabay turo pa sa mga nakaparadang jeep habang may mga nakapilang pasahero roon.
![](https://img.wattpad.com/cover/275202-288-k962577.jpg)
BINABASA MO ANG
Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)
Teen FictionSELF-PUBLISHED BOOK Copyright © 2012 by GandangSora All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the writer except for the use of brief quotati...