MILES
Nahilot ko ang ulo ko nang muling kumirot iyon, pero nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad papunta sa first class ko.
Natapos ang basketball game kahapon sa score na 145-100. Who won? Blue Orions. Halos mabingi ako sa hiyawan ng mga schoolmates naming mga babae na sumusuporta sa basketball team. At mas lalong lumalakas ang tilian nila sa tuwing nakaka-shoot ng bola si Nate. If Iknow, nagpapakitang-gilas lang siya sa mga babae niya at nagyayabang. At tandang-tanda ko pa ang nangyaring iyon.
Kasabay nang pagpasok ng three-point shot ni Nate ang malakas na pagtunog ng buzzer bilang pagtatapos ng laro. Dumagundong ang malakas na hiyawan ng mga estudyante.
"Kyaaaahhhhh! Ang galing niyo, Blue Orions!"
"Ang gwapo pa! Waaaahhhh!"
"Nathan! I love you! Ang gwapo-gwapo mo!"
"Nathan myloves! Marry me! Kyaaahhhh!"
Naiikot ko na lang ang aking mga mata sa tilian ng mga fans ng mayayabang na lalaki na 'yon, lalo na ng mga fans ni Nate. At napasunod na lang ako kina Max at Sam nang bigla nila akong hilahin papunta sa direksyong tinungo ng buong basketball team pagkatapos nilang kumaway at magpasalamat sa mga sumuporta sakanila.
"Congrats, Blue Orions! Ang gagaling ninyo!" sabay na pagbati nina Max at Sam.
Ngumisi si Aaron. "Naman! Kami pa?"
"Idagdag pang ang gwapo namin. Di ba, Max?"
"Napanood mo ko, Samantha? Ang galing ko, di ba?"
Napailing na lang ako sa pagyayabang na iyon nina Juice at Deus.
"Naging mabait pa nga kami sa kanila. Di namin pinaabot sa 200 yung score," nakangising wika naman ni Leonne.
"Hindi na namin sila masyadong tinambakan. Wala na nga silang kagwapuhan, wala pa ba silang mukhang ihaharap sa ibang tao? Di ba, Captain?" tumatawang pahayag ni Cyprus at nakipag-apir kay Nate.
"Hindi man lang kami pinagpawisan," pagyayabang pa ni Kent.
"Parang warm-up game lang yun eh," turan naman ni Jaiden.
"Effortless ang pagkapanalo," dagdag pa ni Nic.
"Sisiw,"simpleng pagyayabang ni Dave.
Boys would always be boys. Hindi na ko magtataka kung mayayabang ang mga lalaking 'yan. Manang-mana sa Captain nila eh. Psh!
![](https://img.wattpad.com/cover/275202-288-k962577.jpg)
BINABASA MO ANG
Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)
Teen FictionSELF-PUBLISHED BOOK Copyright © 2012 by GandangSora All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the writer except for the use of brief quotati...