DAWN'S POVONE WEEK LATER.....
Nandito na kami sa airport. Particularly, nakasakay na kami sa private plane daw nina Cloud.
Pssshhh! Sila na ang may private plane. (>,<)
Ngayon ang schedule namin papuntang Bacolod. Syempre, kasama namin ang parents ni Cloud. Alangan naman kami lang ni Ulap, diba? Baka hindi umabot ng Bacolod ang plane na ito nang hindi kami nag-aaway.
Or sa tingin nyo, makakarating pa kaya kami ng Bacolod nun? Baka kasi maihagis ko lang siya palabas ng plane kapag naubos ang pasensiya ko sa kanya eh.
At ang masaklap pa, magkatabi kami ng upuan. Alam mo yun? Magkatabi? As in na magkalapit ang dalawang uupuan namin.
My gosh! Matutuyuan ata ako ng dugo bago pa kami makarating ng Bacolod.
Dahil pagdating na pagdating ko pa lang, nakabusangot na mukha niya ang nakita ko. At hanggang sa magkatabi na kami sa upuan, tuloy pa rin ang pagpaparinig niya sakin.
"Hay! Ang oras ng alis natin ay 8AM. It's already 8:45. Iyan ba ang 8AM?"
Binalingan ko siya ng masamang tingin. "Oo na. Kasalanan ko na late ako ngayon. Pati traffic sa EDSA, kasalanan ko. Lahat kasalanan ko." - sarcastic na naiinis kong sabi
"Enough, guys. We're already here in the plane at paalis na. Huwag na kayong magsisihan pa." - sabi ni Ninong Cholo, papa ni Cloud
"Ang anak nyo po kasi. Hindi ko naman kasalanan kung matraffic ako papunta dito eh." - nakangusong sumbong ko
"Kakaamin mo lang kanina na kasalanan mo, tapos ngayon sasabihin mo sa parents ko na hindi mo kasalanan? Ano 'to? Lokohan lang?" - Cloud
(.~~)!>>><<<(~~,)!
Ako Cloud
"Cloud, kung maglalambing ka rin lang kay Dawn, lambingin mo siya sa tamang paraan. Be more gentle with her." - Ninang
"Lambing na 'to sa lagay na 'to? Pwede ba, 'Ma? Huwag nyo kong itulad kay Papa kung ganito ang paglalambing niya sa inyo." (=___=)
"At sino naman nagsabi sayo na ganyan ako maglambing sa Mama mo? FYI, Cloud, siya ang lumalambing sakin ng ganyan. Mas malala pa nga sa lambingan nyo ang paglalambing niya. Kung hindi malulutong na mura at masasakit na salita ang natatanggap ko sa kanya, physical injuries naman ang inaabot ko diyan."
"Talaga po?" (o.0) - di-makapaniwalang sambit ko tapos nakangiting binalingan ko ng nanunudyong tingin si Ninang. "I see. No wonder kung dinaan lang kayo ni Ninang sa pikot kaya kayo nagkatuluyan. Hehehe."
"Sinabi mo pa, hija. Naku, talaga naman. Maaawa ka sakin kung nakita mo lang kung pano ako pinikot ng Ninang mo."
"Magtigil ka diyan, Cholo. Kung makapagsalita ka, akala mo pinilit kita at tutol na tutol ka sa pagkakapikot sayo. Hindi nyo lang alam, Dawn, pero siya talaga ang nagsuggest sakin noon na pikutin ko na daw siya para mauwi na agad kami sa kasalan." (-_-') - Ninang
"At naniwala naman kayo? I don't know na ganun kayo kadaling naniwala kay Papa. Sa hitsura niyang yan?" - Cloud
"Oo, sa hitsura kong 'to, hindi na ko pinakawalan ng Mama mo. Kung makapagsalita ka, akala mo naman napakapangit ko. Anong magagawa mo kung patay na patay ang Mama mo noon sakin? Hindi niya naresist ang charm ko. At FYI lang ulit, kung hindi mo alam, sa akin mo namana yang gwapo mong mukha."
"And do you think that's what I should be proud of? Ang gwapo kong mukha? Pwede ba, ' Pa? Kahit hindi ko ipagmalaki yan, marami na ang nakakapansin sa mukha ko."
BINABASA MO ANG
Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)
Teen FictionSELF-PUBLISHED BOOK Copyright © 2012 by GandangSora All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the writer except for the use of brief quotati...